Thursday, October 29, 2009

Namatay sa “Lungkot” ni Lourd Mantaring

Alam ni Padre Damaso na maraming nangyari sa bayan ng San Diego pati siya ay nababahala narin dahil ang kanyang minamahal na anak ay nalulungkot sa pagkawala ng kanyang minamahal na si Crisostomo Ibarra. Malaki ang kutob ni Padre Damaso na marami pang pwedeng mangyari kay Maria Clara. Napagisipisipan niya kung ano ano pa ba ang mga pwedeng magpahamak kay Maria Clara. Ang unang bagay na pumasok sa kanyang utak ay si Crisostomo Ibarra.

Narinig ni Padre Damaso ang mga kuro-kuro kung saan si Ibarra ay nasama sa putukan na nakasama si Elias na nabalitaan na nakita ang bangkay ni Elias na nasusunog sa tabi ng bangkay ni Sisa na baliw. Dahil sa kanyang pagkakataka pinahanap niya sa mga tao ang bangkay ni Ibarra para maisguradong wala nang manggugulo sa kanyang minamahal na anak. Sinabi niya sa mga tao nanasa simbahan na hanapin ang mga labi ni Ibarra sa tabi ng ilog kung saan huling nakitang magkasama si Elias. Nagsamasama ang tatlong taong inutusan ni Padre Damaso. Nagusap-usap sila tungkol sa kanilang opinion sa kanilang gagawin. Ang unang tao ay isang tao na nagtratrabaho sa harden ng simbahan, naniniwala siya na si Crisostomo Ibarra ay patay na at walang ng himagsikan na mangyayari. Ang pangalawang kasama ay isang utusan ni Padre Damaso sa simbahan, sinasabi niya na nakwento sa kanya ni Padre Damaso na sobrang pagaala niya. Nakwento sa kanya ni Damaso dahil siya nalang ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Sinabi sa kanya na sobrang laking pagaalinlangan ang nasa puso niya hindi mabuo ang kanyang kutob na patay na talaga si Ibarra. Ang pangatlong tao naman ay walang paki dahil napilitan lang siya sumama.

Noong nakarating na sila sa tabi ng ilog, wala silang masyadong nahanap na ebidensya na kung patay o buhay pa si Ibarra. Noong magtatanghali na nakakita sila ng isang maliit na bangka na nasa pangpang ng ilog. Nagkaroon sila ng paghihinala na ito ang bangka kung saan galing si Ibarra. Pagkasilip sa upuan ng Bangka may nakita silang isang supot na maliit kung saan may nilalaman na isang maliit na sulutan. Maraming bagay ang nakasulat sa sulutan, kaya nagmadali silang ibalik ito kay Padre Damaso.

Pagkabalik nila sa simbahan kung saan si Padre Damaso ay naghihintay. Binigay nila ang sulatan agad para malaman na malaking tagumpay ang nagawa nila. Pagkabasa ni Damaso isang malaking pagkagulat ang nasa kanyang mukha. Ang nilalaman pala ng sulatin ay ang plano ni Ibarra, kung paano makatakas at makakapagtago kung saan man.
Nakasulat doon na maninirahan muna si Ibarra sa Maynila tapos aalis din papuntang Uropa sa ilang linggo.Dahil doon sinamantala ni Padre Damaso na siguraduhin na mamamatay na si Ibarra kaad at wala nanggagambala sa San Diego at sa kanyang minamahal na si Maria Clara.

Pero sa hindi niya pagkakaalam, sinabi ng pangatlong inutusan ni Padre Damaso kay Ibarra kung ano ang nangyari at sinabi din ng utusan na maaring patayin ni Damaso si Ibarra. Kung kaya nagplano si Ibarra ng pagtatangka na patayin si Damaso. Napagisipan ni Ibarra kung papatayin niya si Padre Damaso, hindi mawawala ang kanyang saklob ng kanyang totoong estado ngayon. At saka eto narin ang pwede niyang gawing paghiganti niya kay Damaso dahil sa mga kanyang kalokohan at masamang ginawa kay Ibarra. Napagisipan na ni Ibarra na makakatulong na mukha na siyang patay, dahil pumasok narin sa kanyang utak ang kaisipan na kailangan na talaga ng dahas para magkareporma sa bayan.

Noong sumonod na araw, naisip na ni Ibarra na ito na ang tamang oras para patayin si Damaso dahil kung magpatagal pa siya baka siya pa ang matuluyang mamatay.
Noong magtatanghalian noong araw na iyon pumunta si Ibarra kung saan naninirahan si Padre Damaso. Kumatok siya sa pinto at biglaan sinakal si Padre Damaso. At bilgaan din pinatay. Ang huling bilin niya kay Damaso ay “Kayong mga mapangabuso mauubos din kayo” Pagkatapos noon nilagay niya sa sako ang katawan ni Damaso at dinala niya sa doctor. Pagdala niya sa dotor inabutan lang niya ng sobre ang doctor na may limang onse at nakasulat na namatay siya sa “pagkalungot”.

No comments:

Post a Comment