Wednesday, October 28, 2009

Kabanata 65 ni Gab Narciso


    Kabanata 65

Bagong Pag-asa

Nang makarating si Ibarra sa puntod ng kanyang ama, agad niyang nakita si Basilio na umiiyak. Hindi niya agad napansin na abo na ang dating bahay na nakatayo sa puntod ng kanyang ama. Tinanong niya si Basilio kung ano ang nangyari sa bahay na iyon. Sinabi ni Basilio na inutusan lang siya ng mamang nagsabi sa kanya na kunin yung pera sa nakalibing. Sinabi din niya na dugo dugo siya at sinunog niya ang bahay kasama ang mamang iyon at si Sisa.

Nagulat si Ibarra dahil hindi niya alam na mamamatay na si Elias. Hindi mahanap ni Basilio ang perang nakalibing kaya nagpatulong siya kay Ibarra. Pagkahanap nila ng pera, yinaya ni Ibarra na tumuloy si Basilio sa kanyang tinutulugan. Pagkalipas ng ilang araw, sinama ni Ibarra si Basilio papuntang Europa para mag-aral ulit. Nagduda sa una si Basilio dahil akala niyang si Ibarra talaga ang nagsimuno ng pag-alsa, pero ipinaliwanag ni Ibarra ang talagang nangyari at agad naniwala si Basilio. 

Nakarating sila sa Europa at nakahanap sila ng bahay. Ginamit nila ang pera na nahanap sa puntod para makapunta sa europa at mag-aral. Nakamit ni Basilio ang kanyang pangarap na mag-aral ng medisina at makasama si Ibarra. Tinuring anak ni Ibarra si Basilio at trinato niya si Basilio na parang anak. Sila`y naging malapit na kaibigan at nagtulungan upang mabuhay sila. Nagtangka silang bumalik sa Pilipinas at mapawala ang kanser ng Pilipinas.


No comments:

Post a Comment