Wednesday, October 28, 2009

Kabanata 65: Ang Bagong Araw ni John Uy


John Uy 34
H3D G. Alcantara
Ang Bagong Araw

Enero 1, 1883

Ilang linggo matapos mamatay si Sisa at Elias, bumalik si Basilio sa bahay ng mga kumupkop sa kanya. Kakaalis pa lang ng mga magulang niya papuntang Maynila, sakay ang bagong bapor ng San Diego. Maraming nakasakay din sa loob ng bapor tulad gaya nila Kapitan Tinong, ang mga Hermana, at maraming iba pa. Dahil alam ni Basilio na wala and mga taga-kupkop niya sa kanilang tirahan, nagpahinga muna si Basilio sa kanyang kama.

Napaisip si Basilio sa mga nangyari sa kanya sa mga nakaraang araw. Naalala niya si Sisa, ang kanyang ina, at ang misteryosong lalaking duguan na namatay kasama si Sisa. Ano kaya ang tunay ng pakay ng lalaking duguan? At ano ang ibig sabihin niya sa mga taong ‘nabuwal sa dilim’? Marami siyang tanong na hindi niya masagot sa oras na iyon. Ilang oras matapos siyang humiga sa kanyang kama, nakatulog na si Basilio.

Enero 2, 1883

Isang sigaw ng babae mula sa labas ng bahay ang nakasira sa mahimbing na tulog ni Basilio. Agad-agad siyang tumakbo sa labas para tingnan kung ano ang nangyari. Paglabas ni Basilio, nakita niya ang isang babaeng umiiyak at ang kanyang tagapagpadala ng kanyang dyaryo. Kinuha niya ang kanyang dyaryo at binasa niya ang ulo ng mga balita sa dyaryo.


BAPOR NG SAN DIEGO SUMABOG
WALANG NATIRANG BUHAY
LAHAT NG BANGKAY AY IPAPALIBING SA SEMENTERYO NG SAN DIEGO SA ARAW NA ITO

Walang masabi si Basilio. Matapos niyang basahin ang dyaryo, alam na niyang wala na siyang ari-arian, at wala na ring nagmamahal sa kanya na buhay. Umiyak si Basilio ng isang oras. Pagkatapos, umalis na si Basilio papuntang libingan. Napakatahimik ng bayan ng San Diego noong araw na iyon. Hindi naisip ni Basilio na ganito kadaming tao ang umalis papuntang Maynila gamit ang bapor na iyon. Pagdating ni Basilio sa sementeryo, kaunting tao lamang ang nakaabang para sa kanilang mga yumaong kamag-anak. Ni Guwardiya Sibil, hindi bumisita sa libingan. Nakita ni Basilio ang dalawang taong nagmahal sa kanya ng dalawang buwan. Napaiyak muli sa Basilio para sa kanila. “Parang wala nang pag-asa.” Sabi ni Basilio. Ngunit, may isang matandang lalaki na pumunta at nagbulong sa kanya. “Namatay ba ang iyong mga kamag-anak? Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita.” Sabi ng bulong sa kanya. Tumingin si Basilio sa bumulong sa kanya. Isang taong Indio ang nakaharap sa kanya. Ang suot niya ay isang barong itim at medyo pagod na ang hitsura niya. Madungis na madungis ang mukha niya kaya hindi niya mamukhaan kung sino ang kausap niyang lalaki. “Sino ka?” Sabi ni Basilio. “Hindi mo na kailangang malaman iyon” sabi ng lalaki. “Tutulungan kitang mamuhay ng masagana muli. Dahil ikaw ay nag-iisa nalang sa buhay mo, papadalhan kita ng taong mang-aampon sa iyo. Mabait siya at mapagmahal sa mga bata. Isa pa, bibigyan kita ng pera na gagamitin mo sa pag-aaral mo para sa pagtanda mo. Mag-aral ka ng husto, at huwag na huwag mong gamitin ang pera na ibibigay ko sa iyo sa iba pang bagay. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko?” sabi ni lalaki. “Opo” sagot agad ng nasindak na Basilio. “Mag-aral ka ng mabuti, sinasabi ko uli sa iyo. Kung walang magandang edukasyon sa bansang ito, wala nang pag-asa. Magkikita muli tayo sa hinaharap. Sa oras na magkita tayo muli, dapat edukado ka na. Paalam, bata, at ako’y tatakbo na, sapagkat marami pa akong kailangang gawin para bawian ang mga taong nag-agaw sa aking kasiyahan.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis na tumakbo ang lalaki papuntang gubat, at ilang segundo lamang ay nawala na siya sa paningin ni Basilio.

No comments:

Post a Comment