Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 ni Carlo Sy


Kabanata 65

Sa isang bayan ng San Diego, sa isang napalungkot na bayan ng San Diego, mayroong isang bata na naglalakad sa kalsada. Tumitingin-tingin sa mga bahay na mayroong ilaw, ngunit walang ingay. Kunot-noo ang kanyang mukha. Hindi mo nahahalata kung siya ay malungkot o napa-iisip lamang. Parang nalilito siya sa sarili niya. Hindi niya alam kung anong damdamin ang nararamdman niya.

Tumabi ang bata na ito sa kalsada at binuksan niya ang sakong dala-dala niya. Lumaki ang kanyang mata noong nakita niya ang mararaming salapi at mga alahas sa loob nito. Ngunit, mayroong iba pang nilalaman ang sako. Nakita niya na mayroong dalawang rebolber at isang patalim sa loob nito. Kinuha niya ang patalim at isinabit ito sa kanyang punit-punit na pantalon. Ang huling laman ng sako ay isang nakatupi na papel. Makikita na nabasa ang sako dahil nabasa din ang mga salapi at ang nakatuping papel na ito. Kinuha nito ng bata at binuksan. Nakita niya ang isang guhit ng babae, ngunit dahil nabasa ito, hindi niya makikita kung sino ang babaeng ito. Isinarado niya ulit ang sako at tumuloy siya sa kanyang paglalakad. Dumating siya sa isang maliit na bahay na sira-sira at mayroong makalat at magulong kapaligiran. Pagkatapos pumasok, umupo siya sa isang maalikabok na silya. Habang napapa-isip, mayroon siyang nakita na isang munting laruan at bigla-biglang may tumulo na patak ng luha sa kanyang mukha. Agad siyang tumayo at lakad patungo sa simbahan sa gitna ng San Diego.

Noong dumating siya sa simbahan, nakakita siya ng isang sacristian na masbata pa sa kanya. Nilapitan niya ito at tinanong kung mayroon siyang nakitang isa pang sacristan na kasing tanda niya, ngunit "hindi" ang sinagot ng sacristan. Tinanong naman niya ang sacristan kung nasaan ang sacristan mayor. Sinabi naman ng sacristan na patay na daw ang sacristan mayor. Nahanap siya sa kanyang tirahan nakabitin. Binalutan ang bata ng galit, Sumigaw siya ng malakas at natakot ang sacristan. Nagpaumanhin ang bata at ikinuwento ang mga nangyari sa kanya. Napalungkot ang sacristan sa mga nanyari sa batang ito. Napansin din niya nap punit-punit ang kanyang mga damit. Agad pumasok siya sa isang kuwarto at kumuha ng isang bagong polo at isang bagong pares ng pantalon. Binigyan din siya ng isang mahaba at puting na bata na mayroong talukbong. Pagatapos nito kunin ng bata, tinanong naman niya kung nasaan ang kura ng simbahan. Sinabi ng sacristan na nilipat siya sa isang kumbento. Ang pangalan daw nito ay ang kumbento ng Santa Clara. Nagpasalamat ang bata at naglakad patungo sa kumbento kung saan daw mahahanap ang kura ng simbahan.

Noong nakadating ang bata sa kumbento, pumasok siya sa eskinita sa gilid nito. Doon, sinuot niya nag mga damit na binigay ng sacristan pati na ang bata na binigay nito, Ikinapit nanaman niya ang dalawang rebolber at ang isang patalim sa kanyang pantaloon at dahan-dahang inakyat ang gilid ng kumbento gamit ng mga lubak-lubak nitong pader. Noong naka-akyat siya sa bubong, humanap siya ng isang lugar na mapapasukan. Habang naghahanap, nakarinig siya ng usapan ng dalawang tao. Sinundan niya ang tunog ng kailang boses hanggang nakakita siya ng isang malaking asotea na nangungun sa isang kuwarto. Maingat siyang bumaba galing sa bubog pababa papunta sa asotea. Noong nakababa na siya, patuluyan niyang pinakinggan ang usapan ng dalawang tao. Tungkol sa anak ng sikat na kapitan ang pinag-usapan nitong dalawa. Dahan-dahan tumingin ang bata. Doon nga niya nakita ang kura na hinahanap niya. Binalutan siya ng galit at katakutan, ngunit inisip niya sa sarili niya na kailangan na hindi siya manenerbiyoso. Hinintay niya hanggang natapos ang usapan ng dalawang tauhan. Dahan-dahan nanaman niya sinilipan ang silid. Ang kura nalang ang natira sa kuwarto. “Ngayon na. Kailangan ngayon na ko ito gawin.” ang inisip niya sa sarili niya. Agad-agad tumalon siya, nakatutok ang rebolber sa padre. Sinabayan niya ito ng sigaw na “nasaan ang kapatid ko!”. Gulat na gulat ang padre ngunit tinahimik niya ang sarili niya at hindi sumagot. Isinigaw ulit ng bata “Nasaan ang kapatid ko!”. Sinagot naman ng padre “Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo. Masmabuti na ibaba mo ang baril na iyan at umuwi ka na.”. Galit na galit, inilabas ng bata ang patalim, tumakbo at tinalunan ang padre at itinutok ito sa kanyang leeg, sabay sa pagsabi “Nasaan ang aking kapatid!”. Ngunit, “patay….” Palang ang nasabi ng padre noong pumasok ang dalawang guwardya sibil sa silid, hawak hawak ang kanilang mga baril. Agad tumaln ang bata sa labas ng asotea at kumapit sa bintana ng kabilang bahay. Mabilisan niya itong inakyat at naratingan ang bubong. Bago siya bumaba sa kabila upang tumakbo sa mga guwardya sibil, tumingin siya ulit sa asotea kung saan ang kura at tinapunan ito ng isang malisik na tingin bago siya tumalon pababa. Bumagsak siya sa isang mataas at makapal na mandala ng ginikan. Doon, naghintay siya hanggang mawala ang mga guwardya. Bago siya umalis, tumingin muli siya sa asotea at sinabi “Kahit ano ang manyari, gagawin ko ang lahat para matanggal ang lahi ninyo sa baying ito.”. Pagkatapos niya ito sabihin, tinaas niya ang talukbong ng kanyang bata at paalis na naglakad papunta sa mga madilim na anino ng malungkot na bayan ng San Diego.

No comments:

Post a Comment