Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 ni Robert Tanchip

http://www.flickr.com/photos/mosredna/131546871/

Kabanata 65 : Ang simula ng Tagumpay

Habang nasa gubat si Basilio, may naririnig siyang kakaibang tinig. May narinig siyang isang taong kinakapos ng hininga. Nang sinubukan niyang sumunod sa tunog na ito, may nakita siyang lalaking nakabarong at animo'y pagod na pagod sa katatakbo. Nang nilapitan niya ang lalaki, nabigla siya sa kanyang nasilayan. Nakita niya si Crisostomo Ibarra, humihingal, pagod na pagod at parang mahihimatay na.

 

            Nang nilapitan niya si Crisostomo, binuhat niya ito sa kanyang balikat at dinala niya sa isang tagong lugar. Pinahiga niya si Crisostomo sa isang tabi at tumakbo upang bumili ng inumin at pagkain. Pagkabalik, agad niyang binigay ito kay Crisostomo upang mabawi niya ang kanyang lakas. Nang bumalik na ang lakas ni Crisostomo, nagkaroon na siya ng sapat na lakas upang mag-isip ng matino. Nag-usap sila ni Basilio at nagpalitan sila ng kwento upang malaman ang pinagdaanan ng isa't isa. Napag pasyahan nilang tumungong Hilaga, sila'y magtatayo ng kanilang sariling sindikato at higit pang yumaman.

 

            Subalit, bago sila tumungong Hilaga, sinabi ni Crisostomo kay Basilio na gusto niya munang dumaan sa kumbento para makita si Maria Clara sa huling pagkakataon. Ang dalawa ay nagtungo sa kumbento at nagtago sa may damuhan malapit sa may bintana kung saan kitang-kita ang mga ngyayari sa kumbento. Nakita ni Crisostomo si Maria Clara, bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan at parang walang ibang damdamin kundi pagkalumbay. Agad siyang umalis sa kumbento dahil hindi niya kayang matiis na makita si Maria Clara na naghihirap. Pinigil na lamang niya ang kanyang sarili sa paglalantad na siya ay buhay pa sapagka’t maaring malagay lamang silang dalawa sa mas mapanganib na katayuan.

 

            Habang ito’y ngyayari, si Maria Clara ay nagdarasal sa kumbento at pinagdarasal niya na sana’y malaman niya ang katotohonan dahil may kutob siyang hindi pa tunay na nasasawi si Crisostomo. Kasabay nito, napalingon si Maria Clara sa may bintana dahil nadama niyang may nagmamasid sa kanya. Pagkatingin niya roon, mistulang may nasulyapan siyang taong nagmamadaling umalis palayo sa kumbento. Hindi man siya tiyak, sa kanyang isipan, ito’y isang pahiwatig mula sa Diyos. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, araw-araw niyang ipinapanalangin ang kaligtasan ni Crisostomo maski na hindi siya siguradong buhay pa ito.

 

            Pagkaalis nina Crisostomo’t Basilio mula sa kumbento, nagtungo silang Hilaga upang magsimula ng bagong buhay. Ang unang ginawa nila’y umupa ng mga tauhan gamit ng gintong nakuha ni Basilio mula kay Elias. Pagkatapos nito’y nagtayo sila ng sariling sindikato upang kumita ng sapat na pera upang magawa ang kanilang mga kailangang gawin. Kumita sila sa kanilang sindikato at nakapag-aral si Basilio sa pinakamagandang paaralan na makikita noon. Samantalang si Crisostomo nama’y nag-ipon ng pera upang maging makapangyarihan, at nangarap na sa susunod ay makapagdala siya ng reporma gamit ang kapangarihang ito.

No comments:

Post a Comment