Wednesday, October 28, 2009

Kabanata 65 ni Dan Jao


Sa mga mata ng tao patay na si CI, ngunit sa anino ng kadiliman... Si Ibarra'y buhay pa't nagplaplano ng kanyang pagtakas patungong Europa. Ang kanyang galit ang nagpabago sa kanyang kaugalian. Parang wala na siyang paki para sa Pilipinas, para na ring walang balak na ipagtanggol ito, ang iniisip lamang niya ngayon ay ang kanyang buhay at ang kanyang mahal na si Maria Clara.


Bagong taon na, ang lahat ng tao ay nagsisiya. Ang buong bayan ng San Diego ay nangingintab sa mga ilaw na nagniningning. Maraming mga dekorasyon na nakakapagpagaan ng loob ang makikita sa lahat ng sulok ng bayang ito. May mga paputok na nanggagaling sa mga Tsino, mga pagkain na galing sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Tunay na napakaligaya ng buong bayan ng San Diego.

Sa liwanag ng ilaw, at kasiyahan ng mga tao. May isang anino na di kapansin-pansin, ang mabilis na nawawala at makikita muli sa mga sulok sulok, para bang may tinatago na masamang secreto. Ang aninong ito ay wala man kundi si Ibarra. Layunin niya ngayon ang pagpunta sa bahay ni Maria Clara at sabihin sa kanya ang balak niyang gawin: ang kanyang pagtakas, at ang pagtuloy ng kanyang buhay bilang ibang persona. dahan-dahan siyang umakyat papunta sa asotea si Maria Clara. Nang maabutan niya iyon, kinasalubong siya ng isang madilim na figura. Nang nakita niya ito, nagulat siya, at tumago agad. Lumabas ang figura na ito sa asotea at nakilala ni Ibarra ito, si Maria Clara pala iyon. Agad-agad niya itong kinausap at sinabi ang balak niyang gawin. Nag-alinlangan si Maria Clariang pumayag sa plano Ibarra, ngunit dahil sa pagmamahal niya kay Ibarra, sumang-ayon rin siya.

Ang plano ni Ibarra ay... Una sa gitna ng gabi, sa oras kung saan pinakamadilim ang langit, doon sila kikibo patungo sa isang bangka na isasakay nila papunta sa isang matalik na kaibigan ni Ibarra. Doon, ang kaibigan niya ang bahala sa pagpapadala sa kanila patungong Espanya gamit ang pribadong barko niya. Sa oras na umabot sila sa Espanya, doon magsisimula ang bagong buhay nila.

Sa pagdating ng tamang oras, isinagawa nila ang plano ni Ibarra. Nagtagumpay sila at nasa kaibigan na ni Ibarra. Pumasok si Ibarra at Maria Clara sa barko ng kaibigan at naglakbay na patungong Espanya. Habang sila'y nasa loob ng barko napansin ni Maria Clara na si Ibarra ay nagluluha na. Tinanong niya si Ibarra kung bakit siya nagluluha at ang sabi ni Ibarra ay "Sana masmarami pa ang nagawa ko para sa aking bayan." "Bakit tayo pupunta patungong Espanya kapag gusto mo pang tulungan ay bayan mo?" tanong ni Maria Clara. Ang sagot ni Ibarra ay "masmadaling magplano ng walang distorbo, at ipinapayo kong babalik ako upang ilunas ang kanser ng bayan ko."

No comments:

Post a Comment