Wednesday, October 28, 2009

Kabanata 65 ni Ced Co



Kabanata 65

Natagpuan ni Ibarra ang isang barko matapos humiwalay sila ni Elias. Sinakyan niya ito at tumungo palabas ng lawa. Nakarinig siya ng mga paputok at natakot para sa buhay ni Elias subalit dumiretso siya nang masmabilis papunta sa labas. Dinala ni Ibarra ang barko tungo sa pier ng Maynila. Pagod na pagod siya at gutom na gutom. Nagnakaw smuna siya ng mga pagkain at pumunta sa isang galyon. Doon ay tinakasan niya ang mga marino at kumain at natulog sa imbakan ng mga gamit. Nang papaalis na ang barko mula Pilipinas hanggang Espanya ay tumingin siya sa maliit na singit sa kahoy. “Paalam Pilipinas, babalik ako upang magamot ang karamdaman mo.” Ang huli niyang binanggit bago umalis.


Nakarating si Ibarra sa Espanya at doon ay tinulungan siya ng Kapitan Heneral at mga kaibigan ng tatay niya. Nakapagpahinga siya at habang naroon ay gumagawa siya ng mga petisyon sa hari na gawan ng paraan ang kundisyon sa Pilipinas. Habang ginagawa niya iyon ay nagplaplano na siya ng isang rebolusyon na magpapalayas sa mga Kastila kapag ayaw gawan ng paraan ng hari ng Espanya


Kumuha si Basilio ng bato upang gawing puntod sa libingan ng kanyang ina at ng lalakin iyon. Nasunog niay na ang mga katawan nila at nilibing na. Tinusok niya ang bato sa itaas ng labi nila at nagdasal. “Ina, hindi kita mkakalimutan. Sisikapin kong magtrabaho, mag-aral at hanapin si Crispin. Panoorin niyo ako diyan sa langit.” Sabay lingon at tumakbo pabalik sa bahay. Sinundan niya ang habilin ng lalaking namatay na antayin ang isang lalaking dumaan. “Sino kaya ang lalaking pinaantay ng taong iyon? Paano ko siya makikilala na siya iyon kung hindi ko naman alam kung ano ang mukha niya at pangalan niya? Nag-antay siya ng tatlong araw sa bahay ng mga mababait na tao ngunit walang dumaang lalaki. Hinanap niya nalang ang kayamanan at , sa laking gulat, nahanap niya ito na may napakaraming salapi. Kinuha niya ang perang iyon at sa susunod na araw ay nagpaalam sa pamilyang pinagtirahan niya upang mag-aral sa ibang bansa.


“Tiago! Tiago! Sumagot ka nga.” Patuloy na sinabi ni Tiya Isabel habang kinakatok ang pintuan ni Kapitan Tiago. “Lumayas ka sabi e! Ayoko magkipag-usap sa inyo!” Sa lungkot ni Kapitan Tiago ay nagkulong siya sa kanyang silid. Hindi alam kung anong gagawin ngayon na nagmongha na si Maria Clara. Bali wala na ang mga kayamanan at perang naipon niya kumpara sa pagkawala ni Maria Clara sa buhay niya. Hindi naiy kinausap sinuman at hindi na siya parehong tao ngayon. Tumigil na siya pumunta sa mga misa at magbigay ng donasyon. “Saan ka nanaman pupunta Tiago?” Ang tanong ng mga kaibigan niya pagkasalubong sa kanya. “Wala kayong paki sa pupuntahan ko!” Walang nakakaalam kung saan siya pumupunta tuwing umaalis siya at bumabalik siya na wala sa sarili ng madaling araw. Hindi ito nakayanan ni Tiya Isabel kaya umalis siya tungong Maynila.


Tumuoy si Maria Clara sa kumbento upang walang makaagaw sa kanya at walang makakasubok umagaw ng puso niya sapagkat ang pag-ibig niya at puso ay para kay Ibarra lamang. Sa una ay akala niyang hindi masama manirahan doon ngunit pagkalipas ng mga ilang araw ay nagduda siya sapagkat tinitingnan siya lagi ng mga prayle at pati na rin si Padre Salvi. Subalit, patuloy pa rin ang paggawa niya ng araw-araw na gawain sa loob ng kumbento. Araw-araw niya ring iniisip at inaalala ang pagmamahal niya kay Ibarra. Hindi siya makapaniwala na namatay na si Ibarra, ang tangi niyang minamahal at kasintahan na dapat pakakasalan. Isang araw, nakarinig siya ng tyismis sa labas. “Ui narinig niyo yung balita? May nabaril daw sa lawa! May dugo raw lumabas sa tubig matapos barilin ayon sa mga guwardiya sibil. “Sino ba ang nabaril? Sa tingin ko si Ibarra e. Nakawala raw siya sa kulungan tapos tumakbo papuntang lawa.” Sa pagkarinig ng balitang ito ay labis na nalungkot si Maria Clara sa pag-aalala ng masamang ala-ala ngunit pinakinggan niya pa ang usapan.”E ang tanong, nakita ba ang katawan? Kung hindi nakita, wala tayong masasabi na talagang namatay siya!” “Wala pa silang nakikita, naghahanap pa rin ang mga guwardiya sibil hanggang ngayon.” Nagkaroon ng liwanag sa mukha niya, isang pag-asa na baka nabuhay si Ibarra. Tumakbo siya pabalik ng kanyang silid at humiga sa kama, umiyak ng luha ng kaligayahan.  

http://www.qmez.com/ph.jpg

http://joserizal.info/images/Noli.jpg


No comments:

Post a Comment