Thursday, October 29, 2009

KABANATA 65 ni MARTIN ONGCHUAN

KABANATA 65: Sunog sa Kontrata

Maraming nangyari pagkatapos nang “pabigong himagsikan” laban sa gobyerno at sa simbahan. Masasabing hindi mabuti at lalong napasama ang sitwasyon ng Bayan. Nahanap ang bangkay ni Elias, ang isang makabayang tao na namatay para mailigtas ang kanyang kaibigan at pag-asa para sa pagbabago. Tumaas ang ranggo ng Alferez kasabay si Padre Salvi na ang unang nagplano ng himagsikan para mapa-bagsak si Crisostomo. Nasali rin si Maria Clara sa kumbento at tuluyang nalungkot si Padre Damaso sa desisyon ni Maria na sumali sa kumbento. Nawalan ng say-say ang mga lahat nang nangyari. Hindi na nakatulong sa paglunas ng kanser na nakita ni Crisostomo sa lipunan.

Ilang araw pagkatapos ng pagtakas ni Crisostomo at ang kamatayan ni Elias, may isang mataas na ranngong Kastila na bumalik sa Pilipinas nang dumating sakanya ang balita sa nangyari. Dumating muli ang Gobernador Heneral sa Pilipinas para ipagmasdan ang nangyari. May poot sakanyang puso nang dumating siya. Pagkarating niya sa lunsod, tuloy-tuloy pumunta siya kay Padre Salvi. Nabalitaan niya na si Padre Salvi ang unang-unang may alam sa himagsikan at pinuntahan siya para magpabalita.

Naabutan ng GobernadorHeneral si Padre Salvi sa kumbento. Napansin niyang may tuwa sa mukha niya. Hindi ginusto ng Gobernador Heneral ang ideya ng pag-uusap sa mga Padre. Alam niyang may kasamaan at kasiraan sila sa kanilang utak at puso. Sinabi niya sa sarili “Kapag hindi ako nakuntento o mapaniwala, ipapahanap ko ang Alferez.” Wala rin siyang nagawa. Si Salvi nalang ang may kinalalaman.

Nakausap ng Gobernador Heneralsi Salvi sa isang kwartong ginagamit para sa sermon. “Nagsimula lahat sa walang hiyang Ibarra na” panig ni Salvi. Nang marinig niya ang tugon ni Salvi, pinigilan niya si Salvi at sinabi “Sigurado ba kayo sa sa sinasabi ninyo? Hindi ako naniwala sa balitang maraming pinagdaanan at nag-iiba ng kuntento. Narinig ko nga na siya ang pinuno ngunit hindi ko kayang mapaniwalang kaagad ang binata nayun na may maraming magandang balak sa kanyang bayan ay magdudulot ng dahas at karahasan sa lipunan.” “Sigurado po ako sa sinasabi ko. Mayroong akong ebidensya na magpapatunay nito. Gusto niya po bang makita?” Napag-usisa ang Gobernador at hinigi kaagad para makita ang ebidensya. Pumunta si Salvi sa kanyang lamesa at pinulot ang isang litrato. Kinuha ng Gobernador Heneral ang litrato at lumaki ang kanyang mata nang matapos niyang basahin ito. “Sigurado kayo sa impormasyon na ito?” “Opo, sigurado ako. Galing ito sa kanyang kasintahan na pumiling tumulong kaysa sa hayaan niyang mangyari ang gulo.”

Napaniwala na ni Salvi na si Ibarra ang nagpadulot ng himagsikan. Nalungkot siya dahil inaasahan niyang nagkakamali si Salvi ngunit halatang hindi. “Mauuna na ako, papag-isipan kong itong balita niya.” Pagkatapos niyang sabihin niya ito, umalis na siya at tumugon papunta sa kanyang bahay. Palabas nang kumbento nakita niya ang anak ni Kapitan Tiago. Nakita niyang umiiyak siya at hindi nagsasalita. Nagulat siya na sumali sa kumbento si Maria Clara. Kinausap niya ito “Anak, ano na ang nangyari sa iyo?” Hindi na sinagot ni Maria ang Gobernador. Naisip ng Gobernador at sinabi sa sarili habang pasakay sa kanyang kalesa kasama ang trupo “Pinaghanga kita ginoong Ibarra, ngunit ngayon nakikita ko na ang tunay mong hiling at kulay. Hindi kitang mapapatawad sa pagtaksil mo sa aking tiwala sayo. Binigyan kita ng aking pagkakaibigan at ngayon sinunog mo ang kontrata nating maging kaibigan. Kapag hindi ka pa namatay, maghanda ka. Huwag na huwag kang magpapakita rito sa Pilipinas. Sisiguraduhing kong mapaparusa ka sa ginawa mo. Ang dami mong napahamak na buhay dahil sa iyong kaswapangan. Subukan mo lang ako at maasahan mong ako mismo ang pupugot sa iyo.

No comments:

Post a Comment