Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 - Ang Bagong Pag-asa ni Michael Manzana



Dum vita est spes est

Nang dumating ang araw ng pasko, may isang bata, nakaupo sa isang tabi umiiyak. May isang lalake na dumaan, nakita niya ang umiiyak na bata, at tinanong kung ano ang kanyang problema.

"Bakit ka umiiyak iho, nasan ang iyong ina?" Pero hindi makasagot ang bata, at nanatiling umiiyak. Tinanong ng lalake " Gusto mo umuwi kasama ako?" Tumingin ang bata sa lalake at pumayag na lang, dahil wala na rin siyang mapupuntahan. Pinatayo niya ang bata, at hinawakan ng lalake ang kamay ng bata. "Tara, medyo malayo pa ang ating pupuntahan, ano nga ba ang pangalan mo?" Pero hindi pa rin makasalita ang bata dahil sa kanyang pag-iiyak. Nang umalis na sila, nakalimutan ng bata ang kanyang sako at binalikan ito.

Habang naglalakad na ang dalawang katauhan, tumitigil na ang pag-iiyak ng bata, at dito nakatanung na ang lalake. Tinanong muna ng lalake “Gusto mo ng tsokolate?”

“Opo” sabi ng bata”,

“pagdating natin sa bahay mayroon tsokolate, pero ano muna ang pangalan mo?”

“Ako po si Basilio” sabi ng bata.

“Ako naman si Filipo, pero nasan naman ang iyong ina, Basilio?”

“Patay na po” sagot ni Basilio.

At hindi na nagtanong si Don Filipo. At tuluyang pumunta sa kanyang bahay, at hawak hawak pa rin ni Basilio ang sako niya.

Nang nakauwi na ang dalawa, amuy na amoy ang masarap na pagluluto ng asawa ni Don Filipo na si Donya Teodora.

“ Sakto pag-uwi mo ah, kain na” Sabi ng Donya.

“May bisita tayo, si Basilio” Sagot naman ni Don Filipo. Pero naka-yuko ang ulo ni Basilio.

“Ano problema Basilio?” Tanong naman ni Donya Teodora. At sabay binulong ni Filipo ang nangyari sa kanyang ina.

“Diyos ko po” Sigaw naman ni Teodora, at sinabi ni Teodora nang mahinhin “Sige Basilio maghugas ka na, kakain na tayo, iwan mo na ang sako na hawak hawak mo.”

At sumunod na si Basilio.

Tahimik naman ang pagkain ng mga tao sa bahay ni Don Filipo. Pero napansin ni Filipo na hindi pa nagalaw ni Basilio ang pagkain niya.

“Ano nasa isip mo Basilio? Ok lang, puwede mo sabihin sa amin, kaibigan mo kami” Sabi ni Don Filipo. At doon sinabi ni Basilio ang lahat na nangyari at tungkol sa laman ng sako na dala dala niya.

“Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko sa perang ito” Sabi ni Basilio.

“Eh, ang iyang perang iyan ay sayo na, dahil sa iyo binigay nang namatay, siya siguro ang tunay na may ari ng pera.” Sabi naman ni Teodora.

“Pero ano ba talaga ang gusto mo gawin?” Tanong ni Don Filipo.

“Gusto ko po makapag-aral” Sagot naman ni Basilio. “Pero gusto ko po makapag-aral sa Europa, katulad po ni Don Crisostomo.”

“Sapat naman ang pero mo para maka-aral sa Europa, pero ikaw lang mag-isa?” Tanong naman ni Teodora.

“Sige, mamaya na lang natin itong pag-usapan, pagud na pagod pa si Basilio, magpahinga ka muna anak” Sabi ni Don Filipo.

Nang gabing iyong, pinayagang manira si Basilio sa bahay ni Don Filipo, Pero hindi makatulog si Basilio, bawat pikit niya ng kanyang mata, nakikita niya ang kanyang ina. Bumangon siya sa kanyang kama, at lumabas ng bahay ni Don Filipo nang tahimik para hindi siya mahuli. Naglakad si Basilio, patungo saan namatay ang kanyang ina, at umupo siya sa lupa at umiyak ulit. Tapos biglang may dumating na lalake, hingal na hingal, pagod sobra, at nahulog sa lupa. Kaagad nilapitan ni Basilio, at Binulong ng tao sa kanya “......tulong.... hingi po.... ng tulong..”

Agad niyang tinulungan siya upang makatayo, at dinala niya siya sa bahay ni Don Filipo.

Ginising ni Basilio sina Filipo at Teodora.

“Basilio, bakit? Ano ang problema?” Tanong ni Filipo.

“may tao po, nangangailangan ng tulong po” Sagot ni Basilio.

At nagmadali si Filipo para tulungan ang tao. Pagdating niya, siya’y nagulat na ang tao ay si Crisostomo.

“ Senyor Ibarra, ano po ang nangyari sa inyo?” Tanung ni Filipo.

Gulat na gulat ang mukha ni Basilio na siya si Crisosotomo, dahil hindi pa niya nakita siya. Pero hindi pa rin maka sagot si Ibarra.

Nang nakapag pahinga na si Crisostomo, nagkuwento na siya kay Don Filipo kung ano ang nangyari.

“ Dapat malaman ng madla na ikaw ay buhay pa!!” Sigay ni Filipo.

“ Wag mong sasabihin kahit kanino man ang aking pagkabuhay, na disgrasya ko na ang ngalan ng aking ama, at ang ngalan ng bayan ng San Diego, ang kailangan ko gawin ay tumago muna bago ako kumilos.” Sabi naman ni Ibarra.

“ Alam ko na!!” Sigaw ni Filipo, “ilang araw lang dumating dito ang batang Basilio, naka-angkin siya ng pera, at gusto makapag-aral sa Europa, Senyor Ibarra, ikaw na lang ang mag-sama sa kanyang paglakbay.” At pumayag naman si Ibarra. Pero nagtanung si Ibarra kung saan nakuha ni Basilio ang kayamanan na ito,

“Binigay lang po sa kanya ng isang namatay na tao” sagot ni Don Filipo. Pinagisipan ito ni Ibarra kung sa kanya man ito, pero sa isip niya kahit sa kanya man ito, ibigay niya na lang kay Basilio, para makapag-aral.

Pagdating ng umaga, kinabukasan. Paggising lamang ni Basilio, sinabi na kaagad ni Don Filipo ang plano nila.

“ Basilio, may nahanap na kaming kasama mo sa Europa, si Senyor Ibarra.” Sabi ni Don Filipo.

Tuwang tuwa si Basilio nang narinig ito, at niyakap niya si Don Filipo at si Donya Teodora.

“Binilhan na kita ng bagong damit, para sa iyong paglakbay” sabi ni Donya Teodora. “Inilagay ko na sa iyong sako.”

“At ako na ang bahala sa pagpunta sa Europa” Sabi naman ni Ibarra. “Ako na rin ang bahala sa iyo pag dating natin doon, marami tayong makikitang magagandang lugar doon Basilio.” Dagdag ni Ibarra.

At ilang lingo lamang nahanda na ang lahat ng kailangan. Nagpasalamat si Basilio kanila Don Filipo at Donya Teodora para sa kanilang supporta. At sumakay na ng barko sina Crisostomo at si Basilio, para magkaroon ng bagong buhay, at ang bayan ng Pilipinas ay magkakaroon ng bagong pag-asa.






Sources:

http://consejo.bz/Pirates/images/ships/galleon.jpg

http://photos.igougo.com/images/p346674-Philippines-Old_brick_house.jpg

http://images.inmagine.com/img/imagesource/ie228/ie228046.jpg

No comments:

Post a Comment