Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65- Permaneo Bonus* ni Sid Aquilino


Katatapos lang ng nochebuena kapansin pansin na walang tao sa lansangan at nasa kani-kanilang tahanan ang lahat. Nakatanggap si Maria Clara ng liham sa araw na iyon. Kapansin pansin na napuno ng ligaya ang dalaga nang mabasa niya ang liham na ito. Agad siyang nagpaalam kay Padre Damaso na siya raw ay magbabakasyon patungong Maynila bago ito tuluyang maging mongha.

"Ama pupunta po akong Maynila upang magbakasyon bago tuluyang ako maging mongha" mahinhin na sinabi ni Maria Clara.

"Bakit mo pa kinakailangan pumuntang Maynila upang magbakasyon? Maari ka namang manatili rito sa San Diego kasama ang mga kaibigan mo?"

"Subalit mas naaalala ko si Crisostomo kapag mananatili ako rito at kinakailangan ko lumisan patungong Maynila upang makalimutan ang mga nangyari sa amin ni Crisostomo sapagkat ako ay magiging mongha."

"Sige! anak ko pumunta ka ng Maynila at siguradihin mo na kakalimutan mo na ang Indyong iyan na nagsira at tuluyang sisira sa buhay mo."


Umalis si Maria Clara patungong Maynila susunod na araw pagkatapos ng pasko. Walang kasama si Maria Clara ng siya ay umalis hindi rin ito nagdala ng madaming gamit kapansin- pansin din na napakasaya ang dalaga ng siya ay umalis.

Nang makarating ang karwahe ni Maria Clara sa maynila agad itong nagpunta sa lawa kung saan niyang nabalitaan na namatay si Crisostomo. Dito niya natagpuan si Crisostomo Ibarra na nakaupo sa isang sulok na madilim. Agad na pinuntahan ang dalaga sapagkat hinihinalaang patay na ang kanyang kasintahan.

“Crisostomo! Papaano ka nabuhay? Bakit nandirito ka pa? At bakit mo pinadala ang sulat na iyon?”

“Mahal kong Maria panay kasinulingan lang ang nadidinig mo sa mga dyaryo at sa usap- usapin ng mga tao. Inuutos ko sa aking kaibigan na magpalabas ng kwentong ganito upang hindi na ako hanapin ng Guwardiya Sibil at mabuhay nang mapayapa. At ang sulat na natanggap mo ay ipinadala ko upang papuntahin ka dito at yayain kang tumakas sa iyong ama at manirahan kasama ko.”


“Kahit gaano ko kanais na sumama sa iyo at mapayapang manirahan dito sa maynila kinakailangan ko maging mongha dahil ito ang sinabi ko sa aking tunay na Ama.”

“Bakit kinakailangan mo pa itong gawin kapag maari ka namang maging masaya at manirahan kasama ko, pinapangako ko sa iyo kapag sumama ka sa akin kalianman ay hindi ka malulungkot at magsisisi”

“Crisostomo, hindi mo nauunawaan ang kinakailangan kong gawin. Kinakailangan ko maging mongha upang kalimutan ka, dahil ito ang gusto ng aking tunay na ama. Kahit hindi tama ang naging pagtrato niya sa atin ama ko pa rin siya at kahit anuman ang mangyari mamahalin ko siya. Sana maunawaan mo ang aking panig.”

“ Nuunawaan ko subalit ipangako mo sa akin na kailanman hindi mo malilimutan ang lahat ng pinagdaanan at ang pagmamahal natin sa isa’t isa”

“Ipinapangako ko iyan sa iyo mahal ko. Kahit kinakailangan kitang alisin sa aking pag-iisip kailanaman ikaw ang tunay na nilalaman ng aking puso. Crisostomo sana maunawaan mo na ito na ang maari nating huling paguusap bago ako tuluyang maging mongha sana maunawaan mo ang aking gagawin at tandaan mo na ikaw lang ang minahal at mamahalin ko kailanman.”

“Nauunawaan kita at tinatanggap ko ang iyong dapat gawin para sa iyong ama. Lagi mong alagaan ang iyong sarili sa kumbento, hanggang sa muli nating pagkikita paalam.”

Pagkatapos mag-usap sina Crisostomo at Maria Clara bumalik na si Maria Clara sa San Diego upang makapaghanda sa kanyang pagiging mongha.

Huling namataan si Crisostomo sa kumbento ng San Diego, kausap si Padre Damaso. Usap- usapan ito sa San Diego sapagkat pagkatapos magusap nina Crisostomo at Padre Damaso napansin ng mga mamayan na tuluyang nanghina si Padre Damaso. Marami ang nagsasabi na ang pag-uusap nilang iyon ay ang nagbigay mulat kay Padre Damaso kaya siya ay nakaramdam ng matinding pagsisi. Sa sermon din ni Padre Damaso sa susunod na araw kapansin- pansin din na nanghihina at nagmimistulang may sakit ang pari.

Nakuha ang mga imahe sa: http://www.flickr.com/photos/14278179@N03/3510033425/

http://www.flickr.com/photos/michellelyles/135264275/

http://www.sxc.hu/pic/m/z/zo/zoofytheji/755843_goodbye.jpg



No comments:

Post a Comment