Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65- Walang Sikretong Hindi Nabubunyag by Philex Yao


Kabanata 65: Walang Sikretong Hindi Nabubunyag

“Ultio dulcis est”

Pag sikat ng araw, sa isip ng mga tao ay namatay na si Crisostomo Ibarra, ngunit nagkakamali sila, dahil siya ay buhay na buhay pa at patuloy na tumatakas sa lawa. Patuloy na nabubuhay at kumikilos itong si Ibarra.

Sa tingin niya’y magiging matagumpay ang kanyang pagtatakas at makakaalis siya ng hindi napapahamak, ngunit isa itong napakalaking pagkakamali, dahil maraming posibleng mangtraydor sa kanya at magsabi kung ano ang tunay na mangyayari kay Crisostomo Ibarra. Isang malaking posibilidad na mayroong magtraydor sa kanya dahil mag-isa na lamang siya, wala na siyang mga kaibigan at tirahan. Wala na siyang ibang mapupuntahan.

Sa susunog na araw, napadaan si Maria Clara kasama si Kapitan Tiaga na pumunta sa kagubatan. Sa sobrang lungkot ni Maria Clara ninais niyang mapa-isa kaya’t pumunta muna siya sa lawa ng mag-isa. Habang naroroon siya, nagmumukmok, at sa sobrang lungkot din ni Ibarra, nakatingin lang siya sa gubat dahil hindi niya malilimutan ang kanyang tunay na minamahal. Sa ilang sigundo ang lumipas at nakita niya si Maria Clara at sa kanyang tinding gulat at saya, agad siyang tumalon galing sa kanyang bangka patungo sa gubat, mapapansin talaga ang kanyang matinding pagmamahal dahil sa ubod ng bilis ng kanyang paglalangoy patungo sa gubat. Hindi nagtagal at nagkita rin sila at nagpalitan ng mga salitang mapagmahal. Nagsama sila ng higit pa sa isang araw at nagsama silang natulog sa ilalim ng puno nang nakayakap.

Sa tagal ng pagkawala ni Maria Clara, kinabahan si Kapitan Tiago at nagsimula siyang maghanap sa gubat dahil natatakot siya na kung baka ano na ang nangyari kay Maria Clara, kaya’t nagsimula siyang hanapin si Maria Clara sa gubat. Nang naghahanap siya sa gubat, lumipas ang tatlong oras bago niya sila mahanap. Nakita niyang tulog silang dalawa nang nagyayakapan. Agad nang inisip ni Kapitan Tiago ang pagsumbong sa kura upang tumaas ang tingin sa kanya ng kura at maaaring resputehin siya. Bumalik siya sa simbahan at agad niyang hinanap sila Padre Salvi. Nang makita niya si Padre Salvi, agad niyang ipinamahagi ang kanyang nalalaman. Nagulat at napuno ng galit si Padre Salvi dahil alam niyang buhay pa ang kanyang kakumpetisyon, kaya’t agad nilang sinugod ang gubat na mayroong kasamang isang dosenang guardya sibil. Hindi nagtagal at nahanap din nila agad sila Maria Clara at Ibarra. Inaresto si Ibarra habang siya’y tulog pa lamang. Naging din si Maria Clara, nagmamakaawa at sumisigaw na huwag nang sasaktan si Ibarra at palayain lamang siya, ngunit siguradong hindi nila itong gagawin dahil matagal na nila ninanais ang paghihiganti kay Ibarra dahil sa dami ng kasalanan niya laban sa mga Kastila. Sa isang pikit ni Maria Clara, mayroon siyang narinig na pagputok at hindi na lamang siya lumingon, sa sahig lamang nakatingin. Sa sahig, biglang dumaloy ang ilog ng dugo. Tunay na rito na nagwawakas ang pagmamahalan ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra dahil patay na si Ibarra at nakapaghiganti na sila Padre Salvi.

Si Kapitan Tiago naman hindi mapakali dahil sa pangyayaring ito. Nalulunod na siya sa kanyang konsensya dahil sa pagtraydor niya kay Crisostomo Ibarra. Napuno ng galit para sa kanya si Maria Clara dahil alam niya na siya ang nagsumbong sa kanila. Sa sobrang galit, ninais niyang iwanan si Kapitan Tiago.

No comments:

Post a Comment