Wednesday, October 28, 2009

Kabanata 65: Ang Dalawang Ilaw ni James Qua

Nakababa ang isang lalaki galing sa bangka na nanggaling sa lawa. Rinig na rinig pa ang mga tunog ng baril at sigaw ng guwardiya. Ang unang unang naisip ng lalaki ay tumakbo ngunit ayaw gumalaw ng binti niya. Dahan-dahang naglakad ang lalaki palabas sa gubat ng isang oras. Maya-maya nadapa ito at nahimatay sa gitna ng gubat. Bago matuluyan ang lalaki, napansin niyang umitim ang himpapawid dahil sa usok na unti-unting kumakalat parang kanser. Itinaboy ng hangin ang usok. Bago si Crisostomo Ibarra mawalan ng malay, nahinuha niyang kailangan ang kanser paalisin gamit ang marahas na hangin.

Samantala, si Basilio ay umalis sa San Diego. Plano sana niyang pumunta kay Ibarra at magtrabaho sa kanya. Habang nagtatrabaho siya doon mag-aaral rin siya ng medisina. Siguro magiging maganda ang buhay ni Basilio kay Crisostomo Ibarra.

Dahil inaakala parin ng mga mamamayan na siya ang pumatay sa baliw na Sisa. Nakita niya yung mga pagkain at ang mga taong nagsasayawan. Napansin niya ang dalawang taong nag-uusap at narinig niya ang pangalan ni Crisostomo Ibarra. Hindi ni Basilio makita ang dalawang tao kaya nakinig na lamang siya.

"Namatay na raw si Ibarra!" ang sinabi ng unang tao.

"Buti nga sa kanya! Napakaraming tao ang namatay dahil sa kanya" ang sinabi ng pangalawang tao.

"Nabaril daw siya sa Lawa at di na umakyat muli galing sa tubig" Noong narinig ito ni Basilio, naunawaan na ni Basilio na wala na siyang matitirahan. Hindi ni Basilio ito matanggap kaya hinanap niya si Crisostomo sa lawa."

Nagising si Crisostomo sa tabi ng isang punong Balete. Ang layo na pala ng linakaran niya pero di niya ito napansin. Tumayo ito ngunit bumigay ang paa. Naisip ni Crisostomo na ito na ang oras niya.

Pagod na pagod na si Basilio sa kakahanap kay Crisostomo. Buong gabi siya gising sa naghahanap ngunit wala parin siyang nakitang tao sa loob ng gubat. Nakita niya ang isang punong Balete at plano sana niyang matulog doon ngunit Natanaw ni Basilio ang isang mahinang taong tumabi sa punong iyon. Sinubukan niyang tumayo ngunit nahulog muli. Lumapit si Basilio sa tao at tilang nagising muli si Basilio. May nakita siyang lalaking tilang mamamatay na. Tinulunga niya ito at binigyan niya ito ng tubig at pagkaing binaon niya galing sa mga tinirhan niya sa bundok. Pagkatapos kumain at uminom nagsimulang magsalita na ang lalaki.

"Salamat sa iyo! Pag hindi ka dumating tiyak na mamamatay na ako. Napakarami ko pa sanang plano para sa bayang ito kaya hindi pa ako pwedeng mamatay. Babalik ako at lulunasin ko ang kanser ng bayang ito. Anak, dalhin mo ako sa Maynila mayroon pa akong tatapusin"

Hindi ni Basilio maintindihan si Ibarra. Parang sira ulo ito dahil paulit ulit lang niyang sinasabi ang linyang "lulunasin ang kanser ng lipunan". Gusto sana niyang iwanan ito ngunit mamamatay lang siya kaya tinulungan niya itong umalis sa San Diego. Habang naglalakad sila, naalala niya ang nanay niyan baliw. Parang si Crisostomo baliw rin ang nanay niya. Pagdating nila sa Maynila sinabi ni Crisostomo:

"Ang pangalan ko ay Simoun. Wala kang ibang itatawag sa akin kundi Simoun. Magtatrabaho ako dito konti para pumunta sa Europa. Sasamahan mo ba ako?"

Pinag-isipan ito ni Basilio ng mabuti ngunit hindi niya pwedeng bitawan ang mga minana sa kanya: Ang ideya ng lalaking namatay sa bukid, ang yaman ng isang taong di ni Basilio kilala.

"Ganito po nalang Simoun. Bibigyan kita ng pera para makapunta sa Espanya. Gusto ko pa mag -aral sasalubungin ko pa ang araw para sa isang tao"

"Salamat anak magkita nalang tayo muli sa kinabukasan"



Binigay ni Basilio ang pera at bumalik sa bundok habang tumungo naman si Crisostomo sa Espanya.

Umalis si Basilio ng hindi nalalaman man lang ang pangalan ng lalaki ngunit sa tingin palang, kitang kita na niya ang galit sa mata niya. Kilala niya lang ito bilang "Simoun" pero hindi niya alam kung sino ba talaga ito. Gusto sana niyang hanapin si Crisostomo Ibarra sa gubat pero masyado na siyang pagod. Sa wakas! Nagkaroon narin ng pag-asa ang batang nawalan ng lahat.

Napakarami ang magaganap kapag kwinento ko pa ito ngunit hanggang dito nalang kwento natin. Nakita natin ang dalawang "pag-asa" ng bayan ngunit hindi natin alam kung anong klaseng pag-asa ang dalawa. Paghihiganti ba ito o pag-asang pangreporma? Hindi natin malalaman pero ito ang tiyak: ang buhay ni Crisostomo at Basilio ay muling magsasama.

Sources: Pictures from image search of google.com

No comments:

Post a Comment