Wednesday, October 28, 2009

Kabanata 65: Los Pecados del Padre ni Keenan Go


Sa pagpasok ni Tiago sa kanyang bahay, nabalitaan niya ang pagmomongha ng kanyang anak na si Maria Clara. Pinuntahan niya ito sa kwarto at sinikapang ipag-usap na wag nang pumunta ng kumbento. Sa kasamaang palad, wala itong nagawa sa dalagang hindi umimik sa usapan. Sa pag-alis ni Maria Clara sa kwarto, nanginig ang buong katawan ni Tiago at tiyak na may nag-iba sa utak niyang matanda, sunud-sunuran at sipsip.


Galit na lumabas sa bahay itong si Tiago at lumakad upang lumamig ang ulo na mukhang puputok na sa galit, lungkot at hiya. Naging mabuti naman ang lakad ni Tiago sa bayan at medyo natanggap pa niya ngunit sa pagkakita niya ng mga tira-tira ng bahay ni Ibarra ay muling uminit ang ulo. Ang lakad ng matanda ay naging isang mabilis na takbo na walang direksyon. Mukhang ito nga ang pagtakbo sa mga nakaraang nangyari at mga siguradong mangyayari sa kasalukuyang sitwasyon. Tumigil ito sa sobrang pagod at nagpahinga, umupo sa tabi ng simbahan na kanyang madalas na pinupuntahan dati.


Hindi maipaliwanag ang kanyang naranasan sa panahong iyon. Ang amoy, ang sarap, di niya maintindihan sa panahong iyon. Malabo nga ang kanyang naranasan dahil sa biglang pagising niya sa labas ng isang bahay na malapit sa simbahan. Dito nanggagaling ang amoy at ginhawa sa dibdib at ulo ni Tiago. Kumatok siya sa pinto at sa pagbukas ay nagmakaawa na bigyan siya ng bagay na iyon. Ang munting hiningi ng taong nasa pinto ay pera, pera raw na ipagtutustos sa paggawa sa gamit na ito.


Nagsimulang tumakbo ang kapitan patungong bahay at sa pagkarating niya rito, binuksan ang lagayan ng pera at kay bilis na nagpatawag ng kalesa na magdadala sa kanya sa nakaraang lugar. Ang kanyang ginawa pagatapos ay hindi na na nalaman ng tsuper. Lumabas siyang nagsasaya sa kalsada at parang wala nang problema sa buhay. Tumatawa-tawa ang Kapitan sa pag-uwi sa bahay subalit siya'y biglang nagalit ng biglaan at nagsimulang manira ng mga paso, plato at iba pang mga bagay sa bahay. Ito'y nangyari ulit sa pagdaloy ng buwan sa tuluyang paglakas ng hilig ni Tiago sa bahay na maamoy.


Kung ano man ang nangyari sa dating makapangyarihang kapitan ay hindi na nalaman ng madla...


Nakuha ko ang larawan na ito sa: www.ibnlive.com/




No comments:

Post a Comment