Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 ni Vit del Rosario

Panganganak Sa Bagong Buhay

Matapos gawin ni Basilio ang hiling ng di-kakilalang sunugin ang bangkay niya at ni Sisa, siya’y nagpahinga lamang sa ilalim ng balete. Abo na ang bangkay ng kanyang Ina, pati na rin ang di-kakilala kasama ng panggatong na kanyang hinakot. Pagod na si Basilio, duguan, at wala nang lakas. Hindi na niya alam ang gagawin niya mula noon.

Sa halip na iyon, tinatanggal na ni Basilio ang mga tinik ng kawayan mula sa kanyang mga paa. Naramdaman niya ang tunay na kirot na kanyang hindi pinansin sa lumipas na gabi. Tumayo siya, lumakad patungo sa batis at doon niya nilinisan ang kanyang sugatan na katawan. Uminom na rin siya ng tubig upang mabalik ang kanyang lakas.

Bigla niyang naalala ang sinabi ng di-kakilala ukol sa gintong nakalibing. Naisip niya kung totoo nga ang sinabi nito. Hindi nga lang maintindihan ng bata ang sinabi ng di-kakilala, “…magiging iyo ang lahat. Mag-aral ka!” Hindi pa lumipas ang ilang Segundo ay nagsimula nang maghukay ang bata. Hindi nagtagal ay nakita na rin niya ang ginto.

“Bakit ako? Ano ang nagawa ko para sa napakabait na taong iyon?”

Subalit alam rin ni Basilio na hindi niya mapapamigay ang pera, hindi pa rin nawala sa kanyang kaisipan ang pagtataka kung bakit ito iniwan sa kanya. Iniwan nalang niya sa kapalaran ang sagot.

Bumalik siya sa pamilyang nag-alaga sa kanya sa gubat at siya’y nagging parang anak na rin nila. Masaya ang dalawang batang nais makalaro si Crispin nang bumalik si Basilio ngunit noong tinanong nila si Basilio kung saan ang kanyang kapatid, wala siyang nasagot at kinuwento niya sa kanila ang istorya ng kanyang ina ayon sa mga nakarinig ng kanyang baliw na kanta. Ang ama-amahan niya rin ay nagmangha at naawa sa nagbibinatang si Basilio.

Binigay ni Basilio ang gintong iniwan ng di-kakilala sa kanyang bagong pamilya bilang pasasalamat sa lahat ng tinulong nila sa kanya at para sa suporta nilang lahat. Nagulat nalang ang bata nang tutulan ng kanyang ama-amahan ang pera.

“Para sa iyo ang gintong iyan, mas marami kang magagawa gamit ang perang iyan. Maaari ka naming tulungang hawakan ang pera mo ngunit sa kapakanan mo mapupunta ang pakinabang ng perang iyan, hindi sa amin.”

Hindi na umimik ang batang Basilio sapagkat nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ang napili ng ikot ng kapalaran kaya ginamit niya ang pera upang gawin ang nararapat.

Lumipas ang iilang buwan at naroon pa si Basilio, naninirahan sa gubat kasama ng kanyang bagong pamilya.

“Basilio! Gising na!”

“Gising na po ako!”

“Oh, ito na ang baon mo, huwag mong kalimutan ang mga libro mo.”

“Opo! Aalis na po ako!”

“Mag-aral ka ng mabuti at makinig ka sa eskwela! Bumalik ka na rin bago dumilim.”

No comments:

Post a Comment