Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 - Ang Pagkaadik


Epigraph - Apego

Nang malaman niyang si Maria Clara ay magmomongha na, nalungkot si Kapitan Tiyago. Hindi niya alam ang gagawin niya, malaking kalungkutan ito dahil hindi natuloy ang kasal nito. Dahil sa matindi niyang kalungkutan, napapadalas siya sa “bahay ng opyo” at gumagamit ng opyo doon. Doon niya nakilala si Ga Bisyo, isang teenager na naadik sa opyo sa maagang edad. Naimpluwensyahan siya ng kanyang mga kaibigan, at kahit pinipigilan na nila si Ga, natuluyan na siya sa pagkaadik sa opyo. Araw araw, nagsasama si Tiyago at Ga hanggang maging matalik na kaibigan ang dalawa.

Nagkakwentuhan ang dalawa, nag-aaral daw si Ga dati. Nag-aral siya sa isang magandang paaralan, ngunit dahil hindi niya siniryoso, bumagsak siya at pinaalis sa paaralan. Nawala ang lahat ng kanyang kaibigan, kahit ang kanyang mga kabarkada, iniwan siya. Natira nalang ang kanyang mga magulang, at isang kapatid na lalaki. Nang mangyari ito, nagalit ang kanyang mga magulang, at umiba ang kanilang pagtrato sa kanya. Ang kanyang mas batang kapatid naman, napagaya sa kanya, at bumagsak rin, ngunit naagapan dahil sinabihan ito ni Ga. Mabait na kuya si Ga, ngunit hindi parin siya pinapansin ng magulang.

Dahil sa kanyang kalungkutan, napa-bisyo na siya. Sa simula, alak at beer lang, hindi siya naglalasing, inom lang. Tapos, naging mga Vodka na, shots. Hanggang gabi-gabi na siya nagpapakalasing. Pagkatapos, kahit umaga palang, naglalasing na. Dahil nagsawa siya sa kaiinom, sinamahan na niya ito ng paninigarilyo, at lumaki ang kanyang gastusin. Hindi niya prinoblema ang pera dahil mayaman ang kanyang pamilya, at ninanakaw lang niya ang pera sa kanyang ama. Pagkatapos ng ilang buwan ng pagkakalasing at paninigarilyo, nagsawa na siya sa sigarilyo, at pinalitan niya ito ng opyo. Napasubok siya sa opyo dahil sabi ng isa sa kanyang ka-inuman na ang opyo ay masaya at lahat ng problema ay nakakalimutan mo. Sinubukan niya ito, hanggang maadik siya.

Ngayon, magkaibigan sila ni Kapitan Tiyago, at araw araw nagsasama sa “bahay opyo” at doon gumagamit ng opyo. Isang araw, nasobrahan sa opyo, sigarilyo, at inom si Ga Bisyo, at bigla-bigla nalang namatay. Mas lalong nalungkot si Tiyago, at lumala ang kanyang pagkaadik sa Opyo.

No comments:

Post a Comment