Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 Brian Estado

Kabanata 65- Ang Dalawang Donya

Epigraph: La Segunda ConfrontaciĆ³n

Nang matapos ang tahimik na Noche Buena ng San Diego, humiga ang mag-asawang si Alperez at si Donya Consolacion. Hindi ito nagpansinan at agad na humilik ang Donya habang nakangiti. Para bang may inaasahang premyo para sa dakilang tagumpay ng alperez laban sa mga naghimagsik. Umagang-umaga ng makalawa, lumabas ang alperez ng kanilang bahay at sinalubong ang isang inaabangan niyang espanyol galing mismo sa espanya sa kautusan ng hari. May dala itong mensaheng maaaring ibahin ang buhay ng mag-asawa. Humihilik pa ang Donya nang magising bigla sa ingay ng kalesa ng espanyol na paalis na ng kanilang bahay. Tumayo ang donya at sumilip sa kanilang bintana at nakita ang tuwang-tuwang alperez. Naisip ng Donya na sa wakas ay dumating na ang kanyang hinihintay na premyo. Naisip niya na mapagyayabang na niya ang kanyang asawa sa kanyang karibal na si Donya Victorina. Ubod ng laki ang ngiti ng Donya. Nang maghapunan ang mag-asawa, hindi pa rin nag-uusap ang mga ito. Akala ng Donya’y isusurpresa siya ng asawa balang araw. Hindi na makahintay and Donya kaya’t pumunta na lamang ito sa kwarto habang naliligo ang Alperez at kinaladkad ang mga maleta nito upang hanapin ang sulat na iyon. Nahanap niya ito sa wakas na nakaipit sa isang bibliyang hindi pa kailanman ay ginagamit at maingat na binuksan upang hindi mahalata. Lumaki ang mga mata nito at pati na rin ang ngiti. Isang imbitasyon ito sa alperez na maging isang major sa espanya. Nakasulat dito ang petsa na nakatakda para sa alis ng alperez at ito ay magaganap sa susunod na araw. Natulog kaagad ang Donya nang maisip na baka mapuyat ito sa biyahe papuntang Espanya. Nagising ito ng maghahapon na nang wala ng katabi at wala na ang mga maleta sa ilalim ng kama. Nakalipas na ang iilang araw at may nariring si Donya Consolacion na mga kuwento ukol sa pagkawalang bisa ng pagiging doctor ni Don Tiburcio. Balak sana niya’y puntahan ito at tirahin ang karibal, subalit naisip niya ang kanyang kalagayan at baka mapahiya lamang ito. Nagdesisyon itong iwasan na lang ang dalawa.

Sa kabilang dako naman, Si Donya Victorina naman ay naghahanap ng mga doctor upang pagalingin ang kanyang lumalabong mata at ang sira-sirang ngipin ng asawang si Don Tiburcio. Nagdududa ang mga tao sapagkat parang hindi marunong si Don Tiburcio mag-alaga ng katawan kahit isa itong Doktor. Dumating ang panahon at tumigil na ang mga tao sa pagtawag sa kanya ng Doktor at siniraan na rin ang kanyang pangalan. Dahil sa pangyayaring ito, hindi na makakuha si Don Tiburcio ng mga pasyente kaya’t unti-unti nang nauubusan ang mag-asawa ng pera. Nagdesisyon ang dalawa na hindi na magtatrabaho si Don Tiburcio at bibili sila ng isang kabayong pangkutsero para sa kanilang puhunan. Pagkalipas ng iilang araw pa, tuluyan nang nawalan ng ngipin si Don Tiburcio at mukha nang isang bungo. May mga naririnig din silang balita ukol sa pag-alis ng Alferez at hindi pag-sama kay Donya Consolacion.Gustong-gusto rin niyang puntahan ito at asarin subalit naisip rin niya ang naisip ni Donya Consolacion. Habang nagmamaneho si Victorina ng isang kabayo, natanggal ang kanyang salamin at hindi na makakita. Dahil dito, hindi niya mahanap ang salamin at muntikan nang masagasaan ang isang babaeng umiiyak at marumi ang kasuotan. Nagmurahan ang dalawa at bigla-biglang napansin ng dalawa na nagkaharap ulit ang magkaribal na Donya. Nagkatitigan ang dalawa mula paa hanggang ulo at nagsimula nanaman ang pag-aaway. Tinira ng dalawa ang nakita at naririnig nila sa isa’t isa at walang katapusan nanaman ang dakdakan. Nakita na lang na kinakaladkad ang dalawa patungong presinto dahil sa pagsasabunutan at pagsasampalan na naganap.

No comments:

Post a Comment