Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 ni Giovanni Fu


Go to fullsize image

http://i245.photobucket.com/albums/gg53/XlipsXswnXshutX/suicide.jpg

Kabanata 65

Pagkasira ng Buhay

(Walang mararating ang pagkasira sa sarili)

Naglalakad si Tiago dala-dala ang kanyang kalungkutan ungkol sa pagpunta ng kanyang anak na si Maria Clara sa kumbento. Naglalakad siya magisa sa gitna ng dilim, kitang kita sa kanya mukha ang kanyang dinadalang pagkadalamhati. Natatakot siya para kay Maria Clara dahil hindi na niya malalaman ang mangyayari kay Maria Clara. Naalala niya ang kanilang pagsasama noong bata pa si Maria Clara. “ Maria, ang aking anak, ng ika'y musmos pa lang ako na ang nagaaruga sayo. Iyong mga ngiti ay pagpapainit sa aking puso. Bilang isang tatay gusto ko lamang ako kabutihan para sayo. O, Maria Clara ang Diyos na bahala sayo. Magpapamisa ako para …...” napatigil siya sa pagdating nga mga Guwardiya Sibil.

“Kapitan Tiago! Magaalas-thres, anu pa ang iyong gingawa sa kadiliman?” Tanong ng Guwardiya Sibil.

“Naalala ko lamang aking anak” palungkot na sagot ni Tiago

“ Si Maria Clara ba ang iyong tinutukoy?” may kasamang ngiti sa pagsabi ng Guwardiya Sibil. “ Siya nga, aking napakamahal na anak”

“ Ano po ang nangyari sa kanya?”

“Siya ay nasa kumbento ngayon, magmomongha na.” napaiyak si Kapitan Tiago. “Huwag ka mag-aalala aalagaan naman siya ng mga Padre, ay ng Diyos pala” may tinatagong ngiti sa loob-looban niya. Nagtuluyan ang kanilang kwentuhan habang hinatid ng Guwardiya Sibil si Tiago sa kanilang bahay.

Iyong gabi na iyon, hindi nakatulog si Kapitan Tiago. Nag-iisip, nag-aalala at nalulungkot siya. Sa gabing iyon naalala niya ang nangyari noon. Sa kumpisalan ni Maria Clara at ni Padre Salvi, dahil sa paglabas nila pawis na pawis si Salvi at si Maria Clara naman ay nalungkot lalo. Iniisip niya ano kaya nag nangyari doon sa loob. Kasabay sa pag-alala nito, naalala rin niya ang sabi ng Guwardiya Sibil, na ang mga Padre na magaalaga sa kanya. Pagkalipas ng dalawang oras, naisip niya puntahan si Padre Damaso ang malapit niyang "kaibigan" upang humingi ng payo.

Sa pagsikat ng araw, nagpaalam siya kay Tiya Isabel na baka hindi na siya bumalik. Bago umimik si Isabel, naka-alis na pala si Kapitan Tiago. Naglalakad siya papuntang simbahan, nang nakita niya si Salvi at hindi niya ito pinansin. Pagdating niya sa simbahan, nagpunta kagad siya kay Damaso. " Padre! Nandito ako upang maghanap ng kasagutan!" sigaw ni Tiago." Ano naman ang sagot hinanap mo" malambot ng pagsagot ni Damaso. "Tungkol sa aking anak!" sabay sa pagtaas ng boses ni Tiago. "Tiago, aking kaibigan, ako'y may aaminin sayo at ito ay iyong ikakalungkot" takot si Damaso sa pagsabi niya. " Si Maria Clara ay aking....anak"

Napatunganga lamang si Tiago ng matagal. "Imposible!" sigaw ni Tiago. "Si Maria Clara ay aking anak!"

"Tiago, maniwala ka o hindi ako talaga ang kanyang tatay." sabi ni Damaso. Umalis si Tiago habang umiiyak.

Sa kanyang paglalakad sa kalye, "Panginoon ko! bakit ko ba naranasan ito? Lagi naman ako nagpapamisa! Bakit ganito! Niloko Mo ako!" sigaw ni Tiago sa hangin at narinig siya ng buong bayan. May lumapit sa kanya, isang matandang Tsino, butas-butas ang suot at may napakabangong amoy.

" Tiago, ako kaibigan, ako kita ikaw may problema. Ako gusto bigay ikaw opyo. Opyo ay mabuti, tulong kalimutan problema" sabi ng Tsino kay Tiago. Walang imik kinuha kagad nito ni Tiago.

Pagkalipas ng ilan linggo, si Tiago ay lagi nang nakikita kasama ang mga Tsino gumgamit ng opyo.

No comments:

Post a Comment