Wednesday, October 28, 2009

Kabanata 65- Ang Hinaharap ni Reimond Go


" Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan " 
- Jose Rizal 

Pagkabalik ni Basilio nakita na niyang patay ang lalaking hindi kilala sa sahig, wala siyang nasabi naiyak nalamang, kinuha niya yung bangkay ng lalaki at itinabi sa bangkay ng ina, kinuha niya yung kahoy at sinunog na ang mga bankay. Habang nasusunog ang mga bangkay, hindi ni basilio natigil ang pagagos ng luha dahil siya nalang ang nagiisa sa mundong ito, wala na siyang ina at kapatid siya nalang magisa, pinagisipan niya rin kung ano ang gagawin niya ngayon na wala na ang ina at kapatid niya, tuluyang umagos ang mga luha ni basilio. Nagdaan ang ilang oras at nagging abo narin ang bangakay ng nanay at lalaki, pinunas ni basilio ang mga luha sa mukha niya at naalala ang sinabi ng lalaki na kapag walang dumaan pagtapos nilang maging abo kunin niya yung pera sa tabi ng balete, pumunta si basilio at nagsimulang maghukay. 


Nakahukay si basilio ng isang sako na sobrang bigat, halos kasing bigat niya, binuksan niya ang sako at tila kumintad ang mga mata sa sobrang daming ginto at dyamante, sinara ni basilio yung sako at naglakad na siya patungo sa lumang bahay nila doon siya natulog ng ilang gabi na hindi kumakain at naliligo, natulog siya ditto upang m

aalala niya yung mga masasayang oras nila ng kanyang kapatid at ina, pero ang mga alaala na ito ay hindi makakapag pigil ng sakit, nagkasakit si basilio at tumungo siya sa bayan upang makapaghanap ng doctor na makakagamot sa kanya. 

Pagdating niya sa bayan nagtanong siya sa mga tao kung saan yung bahay ng doktor, sabi ng iba nabilanggo daw siya dahil sa ginawang pabor para kay crisostomo, sabi naman ng iba na tumakas siya sa bayan at tumira sa bundok dahil takot siya mahuli ng guardya sibil, nadismaya si basilio dahil wala na ang makakapag gamut sa kanya. Konti konti na dumatin ang dilim at nawalan na ng lakas si Basilio, nagpahinga siya sa mga upuan sa paligiran ng plaza kung saan makikita ang bahay ng mga mayayaman. Kumikirot na ang tiyan ni basilio at namamanhid na ang mga braso sa kakabuhat ng sako, nakatulog si Basilio sa sborang pagod at dahil na rin sa sakit niya. 

Gabi-gabi naglalakad ang asawa ng bagong alferez sa mga kalye ng san diego, tumitingin sa mga bituin na kumikinang sa dilim ng gabi. Pabalik na ang asawa ng alferez ng makita niya si basilio natutulog sa upuan, ginising niya ang bata at tinanong “ ano ginagawa mo dito and dilim na ayaw mo pa ba umuwi “ “ paumanhin po mam, napagod lang ako sa kakahanap ng doktor sa bayan, aalis na po ako “ “ ano ba ang sakit mo, ang bata bata mo pa saan ba nanay mo hindi ki inaalagaan “ “ ma’m namatay na po ina ko, ilang araw na ako hindi nakakakain at nagkakaroon na ako ng matinding sakit sa tiyan “ “ ganun ba, sumama kanalng sa akin at papakainin kita ng masarap na pagkain “  nakita ni Basilio na may kasamang guardiya sibil ang babae at natakot siyang sumama sa kanya, sabi ng babae “ tara na, baka malamig na yung ulam pagdating natin sa tahanan ko “ sumama naman si basilio dahil sa matinding gutom. 


Dumating sila sa bahay ng babae at nagulat si basilio ng pumasok sila sa bahay ng alferez, tinanong niya sa babae “ anak po ba kayo ng alferez? “ “ nakakatuwa ka naman pero hindi asawa ako ng alferez “ gulat na gulat si basilio kasi parang biglang gumanda si Donya Consolasyon “ ah sorry po Donya Consolasyon hindi ko po kayo na

kilala “ “ hahhahaha, hindi ako si donya consolasyon, si Donya pia ako asawa ng bagong alferez “ laking gulat ni basilio dahil hindi niya alam na nagiba na pala ang alferez. Pumasok sila sa kainan ng alferez at naamoy ni basilio yung tinola na nakahain sa kainan lalong kumirot ang tiyan dahil tinutukso ito ng amoy ng pagkain. Pagtapos nilang magdasal kumain na sila, kumain ng marami si basilio at at nabusog na rin siya. Tinanong ng Donya “ ano ang pangalan mo “ “ Basilio po Donya Pia “ “ Basilio, ano ang laman ng sako na iyan “ “ ginto po pati mga perlas “ nagulat ang donya at tinanong “ saan mo nakuha iyan “ “ nakuha ko po sa paahan ng punong balete sa may libingan ng nuno ni Don Ibarra “ laking gulat ni Donya Pia dahil pagbukas ni basilio ng sako bigalang kuminang ang mata niya sa kintab ng ginto. “ Basilio akin na ang sako at itatago ko ito sa ligatas na lugar “ binigay ni Basilio ang sako sa kanya at dinala ni Donya Pia si Basilio sa isang kwarto kung saan siya matutulog. Lumipas na ang lamig ng gabi at sumikat na ang araw, si Basilio mas sumakit ang tiyan at nagkaroo na ng lagnat, lumipas ang ilang araw at hindi pa rin gumagaling. Nagdesisyon ang Donya na ipadala nalang sa Maynila si basilio upang mapangalagaan ng mabuti. Inayos ng Donya yung paglalakbay ni Basilio patungong maynila. “ Basilio, lumalala na ang sakit mo at papadala na kita sa maynila upang mapangalagaan ng mabuti “ walang nasabi si basilio sa tindi ng sakit pero umoo siya sa sinabi ng donya “Basilio magingat ka lang sa maynila at wagkabasta-basta sasama sa mga tao, siya nga pala yung ginto na nakuha mo ay ipinalagay ko na sa bangko sa maynila kaya pag kailangan mo ng pera punta ka lang sa bangko kilala ka na nila doon “ nagpasalamat si basilio sa Donya at tumuloy na siya sa biyahe niya. 


Dumating si Basilio sa manila at minadali siya kaagad sa ospital dahil sa biyahe nila ilang beses na siyang nahimatay. Pagdating sa ospital napagaling ng mga doktor ang kalagayan ni basilio at nakaalis na si basilio sa ospital. Pinatira siya ng Alferez ng San Diego sa bahay nila sa maynila, doon nagsulat si Basilio sa Donya at ito ang linalaman ng sulat. 

Donya Pia,

Salamat po sa mga ginawa ninyo para sa akin, gagamitin ko ang pera ko upang magaral para maging isang doktor, dahil hanga ako sa mga doktor kasi napagaling nila ako at napagaling nila ng konti ang aking ina, at kapag nagging doktor na ako kailanman, saanman na kailangan ninyo ako ng alferez pupunta ako dahil buhay pa ako dahil sa kabaiitan na ipinakita mo sa akin. Sana po ay magingmasaya kayo diyan sa San Diego at maging mapayapa ito na bayan. 

  Good Luck Po!!!! 

Basilio


Kinuha ko ang mga letrato na ito sa mga site na ito 

1.) http://fieldnotes.unicefusa.org/child%20labor.JPG

2.)http://kethry.files.wordpress.com/2008/02/mother_child_79.jpg
3.) http://farm1.static.flickr.com/52/141938279_98443e9160.jpg


No comments:

Post a Comment