Thursday, October 29, 2009

Kabanata 65 ni Andre Garcia

Ang Mga Sulat-Sulat
Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng pagbalita tungkol sa kamatayan ni Crisostomo Ibarra sa publiko. Sa mga oras dito, nagsimula si Maria Clara na magsulat tungkol sa mga nararamdaman niya, kalungkutan man o kasiyahan. Habang wala si Maria Clara sa kanyang tahanan, pumasok si Tia Isabel sa kwarto ng dalagang ito at naghahanap siya ng isang bagay. Habang ginagawa niya ito, nakita niya ng iilang papel na may sulat. Ito ang nilalaman ng sulat:

http://www.kuwaitboom.com/antique/natio_geo/images/old_paper.jpg

Malapit na isang linggo noong nagkita kami ni Crisostomo sa asotea sa gabi na iyon kung saan nagkumpisal siya sa akin. Pagkatapos ng gabing iyon, may nararamdaman ako ng kalungkutan. Baka nararamdaman ko ito dahil iniisip ko na parang tinaksilan ko si Crisostomo sa paraan na kakasalin ko si Linares. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ko, ngayon na wala na si Crisostomo. Iniisip ko na siya lamang na tunay na mahal ko. Kung ikakasalan ko si Linares, ito ay parang tinatanggap ko ang isang malungkot na buhay. Sa tingin ko, kung magmongha ako, mas magiging masaya ako kaysa sa kakasalin ko ang isang lalaki na hindi ko naman mahal.

Dapat nakita ang mukha ni Tia Isabel pagkatapos niyang basahin ang sulat. Pero hindi lamang yan; may isa pang sulat sa ilalim ng sulat na may petsa ng araw noon na nakasulat:

Parang nawala na ang malungkot na damdamin ko pagkatapos kong kausapin si tatay. Pinayagan niya ako maging mongha! Sobrang Masaya ako! Pero dahil wala si Ibarra, wala na akong mamahalin kaya para sa akin, ang susunod na pinakamagandang magagawa ko ay magmongha. Kaya bukas, sasabihin ko sa lahat tungkol sa desisyon ko at ang sinabi ni tatay.

Tia Isabel, ngayon ay may parang takot na mukha, ay umalis sa kwarto ni Maria Clara at pagkatapos ay umupo siya sa upuan na malapit sa asotea. Ngayon ay may maraming siyang mga problema: ang kalusugan ni Tiago, ang kasalan nina Linares at Maria Clara at ngayon na magmomongha na si Maria. Kaya ang ginawa niya para makalimutan ang lahat ay bumalik sa sarili niyang kwarto at tumulog upang makalimutan lahat ng mga nangyari sa araw na iyan.

http://www.flickr.com/photos/dpepplediscoveredlight/3029757749/

(Note: ang mga links ang kung saan dapat nalagay ang mga imahe ngunit parang ayaw kaya linagay ko na lang muna...)

Kabanata 65 ni Carlo Sy


Kabanata 65

Sa isang bayan ng San Diego, sa isang napalungkot na bayan ng San Diego, mayroong isang bata na naglalakad sa kalsada. Tumitingin-tingin sa mga bahay na mayroong ilaw, ngunit walang ingay. Kunot-noo ang kanyang mukha. Hindi mo nahahalata kung siya ay malungkot o napa-iisip lamang. Parang nalilito siya sa sarili niya. Hindi niya alam kung anong damdamin ang nararamdman niya.

Tumabi ang bata na ito sa kalsada at binuksan niya ang sakong dala-dala niya. Lumaki ang kanyang mata noong nakita niya ang mararaming salapi at mga alahas sa loob nito. Ngunit, mayroong iba pang nilalaman ang sako. Nakita niya na mayroong dalawang rebolber at isang patalim sa loob nito. Kinuha niya ang patalim at isinabit ito sa kanyang punit-punit na pantalon. Ang huling laman ng sako ay isang nakatupi na papel. Makikita na nabasa ang sako dahil nabasa din ang mga salapi at ang nakatuping papel na ito. Kinuha nito ng bata at binuksan. Nakita niya ang isang guhit ng babae, ngunit dahil nabasa ito, hindi niya makikita kung sino ang babaeng ito. Isinarado niya ulit ang sako at tumuloy siya sa kanyang paglalakad. Dumating siya sa isang maliit na bahay na sira-sira at mayroong makalat at magulong kapaligiran. Pagkatapos pumasok, umupo siya sa isang maalikabok na silya. Habang napapa-isip, mayroon siyang nakita na isang munting laruan at bigla-biglang may tumulo na patak ng luha sa kanyang mukha. Agad siyang tumayo at lakad patungo sa simbahan sa gitna ng San Diego.

Noong dumating siya sa simbahan, nakakita siya ng isang sacristian na masbata pa sa kanya. Nilapitan niya ito at tinanong kung mayroon siyang nakitang isa pang sacristan na kasing tanda niya, ngunit "hindi" ang sinagot ng sacristan. Tinanong naman niya ang sacristan kung nasaan ang sacristan mayor. Sinabi naman ng sacristan na patay na daw ang sacristan mayor. Nahanap siya sa kanyang tirahan nakabitin. Binalutan ang bata ng galit, Sumigaw siya ng malakas at natakot ang sacristan. Nagpaumanhin ang bata at ikinuwento ang mga nangyari sa kanya. Napalungkot ang sacristan sa mga nanyari sa batang ito. Napansin din niya nap punit-punit ang kanyang mga damit. Agad pumasok siya sa isang kuwarto at kumuha ng isang bagong polo at isang bagong pares ng pantalon. Binigyan din siya ng isang mahaba at puting na bata na mayroong talukbong. Pagatapos nito kunin ng bata, tinanong naman niya kung nasaan ang kura ng simbahan. Sinabi ng sacristan na nilipat siya sa isang kumbento. Ang pangalan daw nito ay ang kumbento ng Santa Clara. Nagpasalamat ang bata at naglakad patungo sa kumbento kung saan daw mahahanap ang kura ng simbahan.

Noong nakadating ang bata sa kumbento, pumasok siya sa eskinita sa gilid nito. Doon, sinuot niya nag mga damit na binigay ng sacristan pati na ang bata na binigay nito, Ikinapit nanaman niya ang dalawang rebolber at ang isang patalim sa kanyang pantaloon at dahan-dahang inakyat ang gilid ng kumbento gamit ng mga lubak-lubak nitong pader. Noong naka-akyat siya sa bubong, humanap siya ng isang lugar na mapapasukan. Habang naghahanap, nakarinig siya ng usapan ng dalawang tao. Sinundan niya ang tunog ng kailang boses hanggang nakakita siya ng isang malaking asotea na nangungun sa isang kuwarto. Maingat siyang bumaba galing sa bubog pababa papunta sa asotea. Noong nakababa na siya, patuluyan niyang pinakinggan ang usapan ng dalawang tao. Tungkol sa anak ng sikat na kapitan ang pinag-usapan nitong dalawa. Dahan-dahan tumingin ang bata. Doon nga niya nakita ang kura na hinahanap niya. Binalutan siya ng galit at katakutan, ngunit inisip niya sa sarili niya na kailangan na hindi siya manenerbiyoso. Hinintay niya hanggang natapos ang usapan ng dalawang tauhan. Dahan-dahan nanaman niya sinilipan ang silid. Ang kura nalang ang natira sa kuwarto. “Ngayon na. Kailangan ngayon na ko ito gawin.” ang inisip niya sa sarili niya. Agad-agad tumalon siya, nakatutok ang rebolber sa padre. Sinabayan niya ito ng sigaw na “nasaan ang kapatid ko!”. Gulat na gulat ang padre ngunit tinahimik niya ang sarili niya at hindi sumagot. Isinigaw ulit ng bata “Nasaan ang kapatid ko!”. Sinagot naman ng padre “Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo. Masmabuti na ibaba mo ang baril na iyan at umuwi ka na.”. Galit na galit, inilabas ng bata ang patalim, tumakbo at tinalunan ang padre at itinutok ito sa kanyang leeg, sabay sa pagsabi “Nasaan ang aking kapatid!”. Ngunit, “patay….” Palang ang nasabi ng padre noong pumasok ang dalawang guwardya sibil sa silid, hawak hawak ang kanilang mga baril. Agad tumaln ang bata sa labas ng asotea at kumapit sa bintana ng kabilang bahay. Mabilisan niya itong inakyat at naratingan ang bubong. Bago siya bumaba sa kabila upang tumakbo sa mga guwardya sibil, tumingin siya ulit sa asotea kung saan ang kura at tinapunan ito ng isang malisik na tingin bago siya tumalon pababa. Bumagsak siya sa isang mataas at makapal na mandala ng ginikan. Doon, naghintay siya hanggang mawala ang mga guwardya. Bago siya umalis, tumingin muli siya sa asotea at sinabi “Kahit ano ang manyari, gagawin ko ang lahat para matanggal ang lahi ninyo sa baying ito.”. Pagkatapos niya ito sabihin, tinaas niya ang talukbong ng kanyang bata at paalis na naglakad papunta sa mga madilim na anino ng malungkot na bayan ng San Diego.

Kabanata 65 ni Jeremy Kua: Ang Usok sa Gubat sa Mata ng Isang Kasintahan



Kabanata 65: Ang Usok sa Gubat sa Mata ng Isang Kasintahan

Ilang araw bago mamatay si Elias, makikita na ang kanyang kabiyak-dibdib na si Salome ay naroroon sa Mindoro kung saan nabanggit nito na naririto siyang lumisan upang makisama sa kanyang mga Kamag-anak doon.

Dito siya namuhay ng kasama niya ang kanyang mga kamag-anak sa sandali ng mga pangyayaring kaguluhan na naganap sa San Diego. Dito siyang natutong manirahan ng mag-isa, ng hindi kapiling si Elias na kanyang minamahal.

Bagama't pumunta siya rito upang makasama ang kanyang mga kamag-anak, nanatiling hiwalay ang kanyang pabibigay attensyon sa kanila. Lumitaw ang kanyang matinding pagnanasa para kay Elias sa matagal na panahong paninirahan niya roon.

Naalala pa niya ang mapag-arugang kamay ng kanyang minamahal, matikas nitong pangagatawan at ang mukha nito na tila hindi niya malimutan. Sa lahat-lahat na naalala niya, hindi niya matanggal sa kanyang isipan ang mga paghihirap na pinagdadaanan ng kanyang minamahal na Elias sa sandaling iyon. Kahit anong pa mang kanyang isipin, tila puro kapahamakan lang ang pumapasok sa kanyang utak tuwing pinag-iisipan niya si Elias. Para bang nagmukhang sanggol ito sa pagmumukmok nito sa isang kanto ng silid. Matagal na panahon ang lumipas na nagkaganito ang kanyang pagkatao, hindi man lang lumalabas para kumain ng tanghalian at hapunan.

Hindi nagtagal, lumabas na rin ito sa kanyang kinaroroonan at napatitig na lamang sa kalangitan sa labas. Naging sariwa na lang sa utak niya ang matinding pag-aalala kay Elias at nagdasal na lang siya na sana'y nasa mabuting kalagayan ito.

Namalik na muli ang kanyang normal na pagkatao at sinubukan niyang makipag-usap sa kamag -anak niya. Hindi naman naging mahirap ang pagkatanggap muli sa kanya.

Para makapagpatuloy na muli ng buhay, nagpangasawa na siya ng panibagong lalaki. Unti-unting nalimutan ni Salome ang dating pagmamahalan nila ni Elias.

Isang araw, ng papauwi sa kanilang tahanan, mayroon tilang napansin si Salome. Nakita nito ang isang maitim na asong naglalakad ng palugod-lugod. Sa umpisa'y hindi niya ito pinansin pero may biglang pumasok sa kanyang isipan sas mga sandaling iyon. Natandaan niya si Elias. Namulat sa kanyang isipan na para bang binaliwala niya ang pangako niya na si Elias lang ang kanyang mamahalin. Nagkatotoo nga ang sinabi ni Elias, nagpakasal nga siya sa isang panibagong lalaki nang walang kamalay-malay.

Sa sandaling iyon, nanunumbalik ng bigla-biglaan ang kanyang pag-aalala para kay Elias. Sinubukan niyang maghanap ng impormasyon sa mga pangyayari sa San Diego. Sa mga narinig niyang mga kuro-kuro at usap-usapan, kanyang nalaman na nagkaroon na ng matinding pagkakagulo dahil sa naganap na pagrerebelde ni Ibarra. Hindi makapagpaniwala si Salome sa kanyang narinig. Sa isip niya, hinding-hindi magagawa ito ng taong iyon na binaggit sa kanya ni Elias.

Wala siyang nakuhang impormasyon ukol sa pagtakas nila Elias at Ibarra. Ang tanging alam nito ay si Elias ay ngayo'y sinusubukang hulihin.

Sa sandaling oras na iyon, maabutan natin ang sunog sa gubat ng balete na pagmamay-ari ni Ibarra. Dito hiningi ni Elias na sunugin ang kanyang katawan kasama ang katawan ni Sisa na nanay ni Basilio. Bagama't namamatay na sa sandaling iyon si Elias, natulungan naman niya si Basilio para mamuhay muli ng maayos at matiwasay.

Ng tuluyan ng na sunog ang labi ni Elias, napuno ang kalangitan ng makapal na usok. Sa sobrang laki ng lugar na nasasakupan nito, kitang-kita ito sa Mindoro kung saan naninirahan na si Salome.

Sa pagtingin ni Salome sa kalangitan, ang unang pumasok sa kanyang panigin ay ang madilim at makapal na usok na nangagaling mula sa gubat na kinaroroonan ni Elias, Sisa, at Basilio.

Sa mga nakita niyang mga simbolo ng pagbabadya na maaring mangyari o nangyari na, nag-isip lang siya ng ilang sandali. Nagtaka siya kung bakit nagkaganun lang ang kapalaran niya.

Sa huling tingin ni Salome sa madilim na kalangitan, napansin nito na malakas ang sunog nakanyang nakita kanina ngunit para bang may kakaiba. Hindi niya maintindihan kung bakit parang makapal ang usok na kanyang pinagmamasdan

Ang usok na iyon sa katotohanan ay ang sinunog palang katawan ni Elias at Sisa. Hindi na muli nakita ni Salome ang pagmumukha ng kanyang minamahal mula noon at tila nagdarasal na lamang siya para sa kaligtasan ng sa totoo'y patay niyang kasintahan.

Bagong Taon - Derrick Yao


Lahat ng tao sa San Diego ay naghahanda na para sa bagong taon. Sila ay naghahanda ng pagkain, nag-aayos ng mga mesa at silya, at sila ay nagbibihis ng kanilang napakagandang kasuotan. Marami na rin ay naghahanda ng kanilang paputok para sa pagbibilang ng oras hanggang sa hatinggabi. Lahat ng mga kabahayan sa San Diego ay punong-puno ng saya, ngunit may isa ang hindi, at ito ang bahay ni Kapitan Tiago. Ang bahay niya'y napupuno ng kadiliman. 

Hindi pa lumalabas si Kapitan Tiago mula sa kanyang bahay mula nang mag mongha si Maria Clara. Marami ang kumakalat na kuro-kuro na siya'y nagpakamatay. May iba naman na nagsabi na siya'y nabaliw. At may iba namang nag sabi na siya'y umalis at nagpari para makasama si Maria Clara. Ang totoo, siya'y nagkulong sa loob at nag-iisip kung ano ang nangyaring mali at naisipan ni Maria Clara na pumunta sa kumbento. “Bakit? Nabigay ko naman ang lahat ng kaniyang kailangan. Hindi ako nagkulang sa kahit isa, ngunit bakit pa siya pumasok ng kumbento? Bakit” ang paulit-ulit na sabi ni Kapitan Tiago habang inuumpog ang ulo sa pader ng kaniyang kuwarto. Mabilis namang pumasok si Tiya Isabel at sabay na sinabi, “Ano ka ba naman? Wala kang kasalanan o pagkukulang kay Clarita. Sadyang tinawag lang siya ng Diyos para maglingkod.” Nang marinig ni Kapitan Tiago iyon, siya'y biglang tumakbo palabas ng kanyang bahay at tumungo sa simbahan.

Pagdating niya sa simbahan, kumuha siya ng malaking bato, at binato ang pinakamagandang salamin ng simbahan. Pagkatapos nun, siya'y kumuha ulit ng bato at pinagbabato ang lahat ng salamin sa simbahan. Dali-daling lumabas ang bagong sakristan mayor, ngunit siya'y pinagbabato rin ni Kapitan Tiago. Nang makakita ng chempo ang sakristan mayor, bigla niyang sinuntok si Tiago at pinagpapalo ito ng kawayan. Nagkaroon tuloy ng eksena sa harapan ng simbahan at naawat lang ang pangyayari nang dumating ang sibil. Hindi kinulong si Tiago dahil pabor sa kanya ang lahat ng may kapangyarihan, ngunit siya'y pinadala sa doktor upang suriin.

Kahit sinuri na ng doktor at binigyan ng gamot, wala pa ring nangyari kay Tiago at lalo pang lumala ang sakit niya sa pag-iisip. Hindi tumagal, naglaho na ang lahat ng kaniyang pinaghirapan. Hindi na siya sikat sa mga makapangyarihan lalo na sa mga pari. Nawalan na ng galang sa kanya ang mga tao at naging mayamang mahirap siya. Palaboy sa kalye at hindi alam kung ano ang gagawin. At kung may makakakita sa kanya lagi nilang sinasabi na nasayang ang kanyang buhay dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang anak.

Iyan ang nangyari kay Kapitan Tiago, napakalungkot ngang tanggapin ang kanyang kapalaran, ngunit ito talaga ang katotohanan. Siya'y nagkaroon ng sakit sa pag-iisip at nawala ang kanyang pusisyon sa lipunan.


Kabanata 65 ni Vit del Rosario

Panganganak Sa Bagong Buhay

Matapos gawin ni Basilio ang hiling ng di-kakilalang sunugin ang bangkay niya at ni Sisa, siya’y nagpahinga lamang sa ilalim ng balete. Abo na ang bangkay ng kanyang Ina, pati na rin ang di-kakilala kasama ng panggatong na kanyang hinakot. Pagod na si Basilio, duguan, at wala nang lakas. Hindi na niya alam ang gagawin niya mula noon.

Sa halip na iyon, tinatanggal na ni Basilio ang mga tinik ng kawayan mula sa kanyang mga paa. Naramdaman niya ang tunay na kirot na kanyang hindi pinansin sa lumipas na gabi. Tumayo siya, lumakad patungo sa batis at doon niya nilinisan ang kanyang sugatan na katawan. Uminom na rin siya ng tubig upang mabalik ang kanyang lakas.

Bigla niyang naalala ang sinabi ng di-kakilala ukol sa gintong nakalibing. Naisip niya kung totoo nga ang sinabi nito. Hindi nga lang maintindihan ng bata ang sinabi ng di-kakilala, “…magiging iyo ang lahat. Mag-aral ka!” Hindi pa lumipas ang ilang Segundo ay nagsimula nang maghukay ang bata. Hindi nagtagal ay nakita na rin niya ang ginto.

“Bakit ako? Ano ang nagawa ko para sa napakabait na taong iyon?”

Subalit alam rin ni Basilio na hindi niya mapapamigay ang pera, hindi pa rin nawala sa kanyang kaisipan ang pagtataka kung bakit ito iniwan sa kanya. Iniwan nalang niya sa kapalaran ang sagot.

Bumalik siya sa pamilyang nag-alaga sa kanya sa gubat at siya’y nagging parang anak na rin nila. Masaya ang dalawang batang nais makalaro si Crispin nang bumalik si Basilio ngunit noong tinanong nila si Basilio kung saan ang kanyang kapatid, wala siyang nasagot at kinuwento niya sa kanila ang istorya ng kanyang ina ayon sa mga nakarinig ng kanyang baliw na kanta. Ang ama-amahan niya rin ay nagmangha at naawa sa nagbibinatang si Basilio.

Binigay ni Basilio ang gintong iniwan ng di-kakilala sa kanyang bagong pamilya bilang pasasalamat sa lahat ng tinulong nila sa kanya at para sa suporta nilang lahat. Nagulat nalang ang bata nang tutulan ng kanyang ama-amahan ang pera.

“Para sa iyo ang gintong iyan, mas marami kang magagawa gamit ang perang iyan. Maaari ka naming tulungang hawakan ang pera mo ngunit sa kapakanan mo mapupunta ang pakinabang ng perang iyan, hindi sa amin.”

Hindi na umimik ang batang Basilio sapagkat nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ang napili ng ikot ng kapalaran kaya ginamit niya ang pera upang gawin ang nararapat.

Lumipas ang iilang buwan at naroon pa si Basilio, naninirahan sa gubat kasama ng kanyang bagong pamilya.

“Basilio! Gising na!”

“Gising na po ako!”

“Oh, ito na ang baon mo, huwag mong kalimutan ang mga libro mo.”

“Opo! Aalis na po ako!”

“Mag-aral ka ng mabuti at makinig ka sa eskwela! Bumalik ka na rin bago dumilim.”

Kabanata 65: Nasa Huli Ang Pagsisisi by RJ


“Todo cambia”

“Lahat ay nagbabago”


Makaraan ang ilang linggo, dumating na rin ang araw ng pagpasok ni Maria Clara sa kumbento. Marami ang naghatid sa kanya sa malalaking pintuan nito, kabilang na rito si Kapitan Tiago, Tiya Isabel, at walang iba kundi si Padre Damaso. Lahat sila'y naiiyak sa lungkot, ngunit may kakaibang mapagmamasdan kay Padre Damaso dahil mukhang siya ang labis na tinamaan ng pagmomongha ni Maria Clara. 

“Mag-iingat ka anak, tandaan mo ang lahat ng payo ng iyong ninong,” ani ni Padre Damaso kay Maria Clara sinabayan pa niya ng mahigpit na yakap at ng halik sa pisngi. Ngunit mistulang walang narinig ang dalaga at mabilisang pumasok sa kumbento na hindi man lamang nakakapagpaalam ni humalik sa kanyang ninong, tiya, at ama-amahan. 

Nang makapasok na si Maria Clara, may naramdamang masakit si Padre Damaso sa kanyang dibdib, at bigla na lang siyang tumumba sa lupa. Maraming tao ang nagulat at agad-agad na pumaligid at dinala siya sa pagamutan ng mabilisan. “MARIA CLARA! HUWAG!” ang malakas na sigaw ni Padre Damaso nang magising sa pagamutan. Mabilis namang pinuntahan si Padre Damaso ng mga nars at doktor dahil sa malakas niyang pagsigaw. “Padre, huwag po sana kayong magpadala sa emosyon ngayon dahil kayo'y hindi pa mabuti. Kailangan pa ninyong magpahinga at magpalakas para bumuti ang kundisyon ng inyong puso,” sabi ng doktor kay Padre Damaso. Siya nama'y nakinig at humiga na lang at nag-isip ukol kay Maria Clara.

Napag-isipan niya ang malungkot na buhay ni Maria Clara sa kumbento, ang mga mapangabusong pari na nananamantala sa kanya, at ang pag-iyak nito gabi-gabi. Napunta rin sa isipan niya ang mga kasalanang nagawa sa kapwa at naisip din niya na siya ang tunay na may sala at dahilan kung bakit napunta si Maria Clara sa kumbento. “Diyos ko po! Napakasakit ng parusa na ipinataw mo sa akin! Ganito po ba ang nararapat sa akin?” ang paulit-ulit na inisip ni Padre Damaso habang nakaratay. 

Noong gabing iyon, siya'y nanaginip. Napanaginipan niya ang mga kinatatakutan niyang mangyari kay Maria Clara, pati na rin ang kanyang kalupitan sa tao. At habang nakikita niya ang sariling nagpapahirap ng tao, may lumapit sa kanyang isang bata at sinabi na ang lahat ng pahirap na kanyang ginawa ay mapupunta sa kanyang nag-iisang mahal. Biglaang nagising si Padre Damaso, pawis na pawis at hindi na makatulog ulit dahil sa bangungot na naranasan. At sa sandaling iyon, nangako siya na magbabago. “Amang mapagpatawad, patawarin ninyo ako. Isinusumpa ko na ako'y magbabago at magiging mabuting tao, huwag lang ninyo pahirapan ang aking anak,” pabulong na sinabi ni Padre Damaso sa sarili. At buong gabi, siya'y nag-isip ng paraan para makabawi sa lahat ng kanyang kasalanang nagawa.

Nang makabalik na si Padre Damaso sa kanyang parokya, sinimulan na niya ang kanyang pagiging mabuting tao. Hindi na siya humihingi ng mga bayad para sa pamisa at hindi na rin nagpapabayad para sa indulhensiya dahil alam niya na walang bayad ang pagmamahal ng Diyos para sa ating lahat. Sinumulan na rin niyang makitungo sa mga indo, lalo na sa mga bata. Lagi siyang nakikipag laro at natuturuan niya rin sila kung may panahon siya. At hindi na nakarinig ang mga tao ng masamang nagawa ng padre mula noong araw na iyon dahil talagang napamahal na siya sa lahat ng tao na kasama sa kanyang parokya at napamahal na rin sila sa kanya. Natuto rin siyang mamuhay ng simple at hindi na siya kinatatakutan ng tao ngayon, samakatawid siya'y naging isa sa mga pinakakagalang-galang at iniidolong pari sa buong lalawigan. 






Kab 65- Ang pag-aalala ni Basilio ni Vance Ching



Ngayo'y sinusunog ni Basilio ang katawan ng isang lalaki na may sugat galing sa isang bala at ang kanyang nanay si Sisa. Inutos ng lalaki na ito kay Basilio na sunugin sila hanggang maging abu na sila. Habang ginagawa ni Basilio ito naalala niya ang kanyang oras noong inaalagaan siya ng matandang lalaki at ang kanyang kapamilya. Naalala niya ang problema at ang mga masasaya na panahon na naranas niya noong nakatira siya kasama sa matandang lalaki at ang kanyang kapamilya.

Isang araw may isang bata na may puro sugat na nakahiga lang sa lupa ng isang gubat. Habang nakahiga ang bata na ito may isang matandang mangangahoy naglalakad sa gubat at palapit ng palapit sa bata na sugatan. Noong nangagahoy ang matandang mangangahoy sa lugar na saan nakahiga ang bata. Noong naputol na ang matandang mangangahoy ang kanyang ika-sampu puno may nakita siyang isang hugis ng bata sa tabi ng ika-lima puno na naputol niya. Linapit niya ito at nagulat siya sa kanyang nahanap.

Nakita niya ang sugat-sugat na bata na nakahiga lang sa lupa. Tumakbo ang mangangahoy papunta sa direksyon ng bata at kinarga ang bata papunta sa kanyang bahay. Doon sa bahay ng mangangahoy inalaga ng mangangahoy at ang kanyang mga kapamilya ang bata hanggang malusog at mabuti na ang bata. Noong magaling na ang bata sinabi niya sa pamilya na siya ay si Basilio at ang mangangahoy at ang pamilya niya ay nag pakilala din sakanya. Mabilis nakilala ni Basilio ang mga tao na nalalaman sa pamilya. Ang nagtulong sa kanya papunta sa kanyang bahay ay ang matandang lalaki na ang hanapbuhay ay pangangahoy, mayroon naman isang dalaga na gumagawa ng mga gawain tulad ng pag lilinis ng mga damit atbp. at ang magkakapatid isa lalaki at isa babae.

Isang hapon nag lalaro ang magkakapatid na bata at si Basilio bigla may narinig silang babae umiiyak! Pinuntahan nila saan nila galing ang tunog ng taong umiiyak. Naririnig nila ang pagiiyak sa bahay ng pamilya at nakita nila ang babae umiiyak katabi ang mangangahoy nakahiga sa kama na mukhang naghihirap. Tinanong ni Basilio kung ano ang nangyari at sinabi sa kanya na may sakit ang mangangahoy at wala silang pera para pambili ng gamot para makagaling ang mangangahoy. Noong narinig nila ito sumama ang loob ni Basilio dahil naiisip niya na ito ang tao na nagtulong sakanya at ngayon nakikita niya na ang mangangahoy naman ang naghihirap. Kaya may naisip si Basilio ng paraan pano makakuha ng pera para matulong niya ang mangangahoy. Tumungo ang magkakapatid at si Basilio sa bayan ng San Diego at sabi ni Basilio na maglimos sila ng pera sa mga mamayaman na dumadaan sa simabahan at ginawa nila ito. Ngunit wala man lang isang mayaman tao ay nag bigay pansin sa kanila at minsa pa nga tinutulak si Basilio o ang magkakapatid para hindi sila makaharang sa daan na linalakaran nila. Napikon ang kapatid na lalaki at ninakaw niya ang sumunod na mayamang lalaki papunta sa simbahan. Nakita naman ng mayamang lalaki ang kapatid na lalaki at tinawag niya ang Guwardiya Sibil at hinabol nila ang tatlong bata. Habang tumatakbo sila nadapa ang babae bata ngunit ang batang lalaki naman ay patuloy tumakbo kasama na si Basilio. Tiningnan ni Basilio ang likod niya at hindi na niya nakita ang batang babae kaya dito naisip niya ang pangyayari ni Crisipin noong naiwan din niya siya. Kaya binalikan ni Basilio ang babaeng bata at nakita niya agad siya at tinulungan siya tumayo at tumakbo na muli sila at hindi na sila naabutan ng mga Guwardiya Sibil at ang mayamang lalaki.

Noong nakatakas na sila naabutan ni Basilio at ang batang babae ang lalaking bata na saan bumibili na ng gamot para sa mangangahoy. Agad pumunta na sila sa bahay ng mangangahoy at binigay ang gamot sakanya. Pagkatapos ng pagtutuloy pag iinom ng gamot at paghihinga gumaling na ang mangangahoy at ipinagsasalamatan niya ang magkakapatid at si Basilio. Tapos tumayo ang mangangahoy at sinabi niya sa kanila ng “ Tara! Sama-sama tayo tulungan niyo ako magputol ng mga kahoy at walang iwanan ah!”

Sources ng mga larawan:

www.flickr.com/
photos/
specialagent/
2281715666/

www.birkbinnard.com/
europewebpages/
Old%20church.htm

www.flickr.com/
photos/w_franklin/
51297912/

Kabanata 65- Paalam at Sumpa

Sa isang madilim na gabi, walang katao-tao may dalawang gumagalaw sa gitna ng kadiliman. Isang binata at isang dalaga. Hindi na ito isang extraordinaryong pangyayari dahil marami ng tumatakas sa Pilipinas dahil sa nangyari sa bayan ng San Diego. Dahan-dahan silang kumilos dahil ayaw nilang maalerto ang mga Guwardya Sibil. Pero habang sila’y kumikilos sa gitna ng gabi’y tingnan muna natin ang mga nangyayari sa paligid. Ito nanaman si Kapitan Tiago na palakad-lakad kung saan-saan, hindi siya mapakali dahil sa nangyari noong nakaraan na araw, baka’y naglilimos upang makahanap ng pangsabong. Naririnig natin ang umiiyak na dalaga, ngunit ay hindi natin alam kung saan nanggagaling. Makikita natin na bukas ang ilaw sa labas ng bahay ng alferez dahil marami siyang nakuhang promosyon sa pagtigil ng himagsikan, pero kung pumasok sa bahay, makikita’y walang katao-tao. Ngayo’y bumalik tayo sa ating dalawang katauhan na paligid-ligid malapit sa mga barko.

May bagong balita ba?” wika ng binata

Ang matagal na kaibigan ng iyong tatay ay nahanap ng patay sa bukid. Patuloy ang paghanap sa iyo ng mga Guwardya Sibil at ngayo’y binibintang na sa iyo ang pagkamatay ng kaibigan ng iyong tatay, ang sacristan mayor at ang aking kasintahan. Umalis na ang alferez sa bayan ng San Diego, at nagkasakit ang dapat na magkakasal noong linggo. Nakatakas sa si Don Filipo sa bansa, at magkakaroon ng bagong kura ang San Diego.” Wika ni Salome “Huwag ka na sanang umalis, kailangan naming ang iyong tulong para sa himagsikan.”

Kailangan ko’y umalis upang humingi ng payo sa aking mga kilala sa Europa. Nangangailangan ng sapat na armas at katalinuhan upang mapasagawa ang plano ko. Sinulatan ko na ang Arsobispo na ilipat si Padre Damaso sa isang malayong lugar kung saan hindi na siya makikialam sa aking mga plano.” Ang sabi ng binata.

Pag umalis ka, ang kamatayan niya’y bali wala”

Ang kamatayan niya’y nagpagising sa aking mga mata. Nakita ko ang matinding kanser ng lipunan. Babalik ako. Ang kanyang sakripisyo para sa bayan ay hindi makakalimutan.”

Kailan ang balik ninyo?” wika ni Salome

Iyan ay isang tanong na hindi ko masasagot. Maraming mga papeles na kailangan baguhin. Maraming kailangan na armas at iba pang mga kagamitan, ipapangako ko sa ngalan ng aking tatay na magbabalik ako sa bansang pinaggalingan ko at ipapaslang ko ang kanser ng lipunang ito. Isinusumpa ko na magdadala ako ng hustiya sa mga baboy at lecheng hindi makatarungan. Magdadala ako ng hustiya sa mga hindi naririnig na pagiyak ng mga inuusig. Bibigyan ko ng kalayaan at gagawin ko ang lahat upang mapalaya ang bansang mahal ko. Maghihiganti ako sa mga tao na nagbigay ng kahirapan sa aking taong-bayan.” wika ng binata.

Sige! Ilabas mo ang poot mo sa mga Kastila! Walang mapapalaran ang paghihiganti ngunit ang pagbalik ng kasawian! Gamitin ng matalino mo ang kung anumang natitirang bahagi ng iyong buhay! Tumira ka sa probinsiya kung saan ay mapayapa at makakalimutan ang iyong pangalan doon!”

Hindi mo mababago ang aking isip, akala ko naiintindihan mo na iyon. Akala ko maiintindihan mo ang kai-”

Tigil ka diyan! Huwag mo sabihin ang pangalan niya!, sinuko niya ang kanyang minamahal sa buhay, at hindi mo kailanman maiintindihan ang pinagdaanan ng aking mahal!”

"Hindi na bali, ang aking desisyon ay tapos na, paghihiganti na lang ang na sa isip ko, paalam Salome at muli tayong magkikita sa araw na pula ang ulap."
Umalis na ang binata sa barkong patungong dagat, kung saan tahimik siyang nakatakas sa maharas na kapaligiran ng Pilipinas. Nakatingin ang binata sa dagat na may paghiganti sa kanyang mga mata. Nakatingin pabalik sa Pilipinas na may intensyong maharas. Nakatatak sa kanyang mga kagamitan ang tatak ng namuno ng himagsikan, ang tatak ng mga Ibarra.

Kabanata 65- Walang Sikretong Hindi Nabubunyag by Philex Yao


Kabanata 65: Walang Sikretong Hindi Nabubunyag

“Ultio dulcis est”

Pag sikat ng araw, sa isip ng mga tao ay namatay na si Crisostomo Ibarra, ngunit nagkakamali sila, dahil siya ay buhay na buhay pa at patuloy na tumatakas sa lawa. Patuloy na nabubuhay at kumikilos itong si Ibarra.

Sa tingin niya’y magiging matagumpay ang kanyang pagtatakas at makakaalis siya ng hindi napapahamak, ngunit isa itong napakalaking pagkakamali, dahil maraming posibleng mangtraydor sa kanya at magsabi kung ano ang tunay na mangyayari kay Crisostomo Ibarra. Isang malaking posibilidad na mayroong magtraydor sa kanya dahil mag-isa na lamang siya, wala na siyang mga kaibigan at tirahan. Wala na siyang ibang mapupuntahan.

Sa susunog na araw, napadaan si Maria Clara kasama si Kapitan Tiaga na pumunta sa kagubatan. Sa sobrang lungkot ni Maria Clara ninais niyang mapa-isa kaya’t pumunta muna siya sa lawa ng mag-isa. Habang naroroon siya, nagmumukmok, at sa sobrang lungkot din ni Ibarra, nakatingin lang siya sa gubat dahil hindi niya malilimutan ang kanyang tunay na minamahal. Sa ilang sigundo ang lumipas at nakita niya si Maria Clara at sa kanyang tinding gulat at saya, agad siyang tumalon galing sa kanyang bangka patungo sa gubat, mapapansin talaga ang kanyang matinding pagmamahal dahil sa ubod ng bilis ng kanyang paglalangoy patungo sa gubat. Hindi nagtagal at nagkita rin sila at nagpalitan ng mga salitang mapagmahal. Nagsama sila ng higit pa sa isang araw at nagsama silang natulog sa ilalim ng puno nang nakayakap.

Sa tagal ng pagkawala ni Maria Clara, kinabahan si Kapitan Tiago at nagsimula siyang maghanap sa gubat dahil natatakot siya na kung baka ano na ang nangyari kay Maria Clara, kaya’t nagsimula siyang hanapin si Maria Clara sa gubat. Nang naghahanap siya sa gubat, lumipas ang tatlong oras bago niya sila mahanap. Nakita niyang tulog silang dalawa nang nagyayakapan. Agad nang inisip ni Kapitan Tiago ang pagsumbong sa kura upang tumaas ang tingin sa kanya ng kura at maaaring resputehin siya. Bumalik siya sa simbahan at agad niyang hinanap sila Padre Salvi. Nang makita niya si Padre Salvi, agad niyang ipinamahagi ang kanyang nalalaman. Nagulat at napuno ng galit si Padre Salvi dahil alam niyang buhay pa ang kanyang kakumpetisyon, kaya’t agad nilang sinugod ang gubat na mayroong kasamang isang dosenang guardya sibil. Hindi nagtagal at nahanap din nila agad sila Maria Clara at Ibarra. Inaresto si Ibarra habang siya’y tulog pa lamang. Naging din si Maria Clara, nagmamakaawa at sumisigaw na huwag nang sasaktan si Ibarra at palayain lamang siya, ngunit siguradong hindi nila itong gagawin dahil matagal na nila ninanais ang paghihiganti kay Ibarra dahil sa dami ng kasalanan niya laban sa mga Kastila. Sa isang pikit ni Maria Clara, mayroon siyang narinig na pagputok at hindi na lamang siya lumingon, sa sahig lamang nakatingin. Sa sahig, biglang dumaloy ang ilog ng dugo. Tunay na rito na nagwawakas ang pagmamahalan ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra dahil patay na si Ibarra at nakapaghiganti na sila Padre Salvi.

Si Kapitan Tiago naman hindi mapakali dahil sa pangyayaring ito. Nalulunod na siya sa kanyang konsensya dahil sa pagtraydor niya kay Crisostomo Ibarra. Napuno ng galit para sa kanya si Maria Clara dahil alam niya na siya ang nagsumbong sa kanila. Sa sobrang galit, ninais niyang iwanan si Kapitan Tiago.

Kabanata 65- Pag-aalala ng Isang Ama ni Clyde Dee






Papasok si Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago ng bigla lamang tong lumabas sa pinto.
“Anong katanganhan ang ginagawa mo Tiyago?” sabi ni Padre Damaso kay Tiyago ngunit din nito napansin.
“Hoy Tiyago sagutin mo ko!” sinigawan ni Damaso si Tiyago.
“Huh? Ano ang sinabi mo po?” sagot ni Tiyago kay Damaso.
“Wag na nga lang, ano yan opyo ba yan?” tanong ni Damaso kay Tiyago.” Opo,gusto mo ba?” napangiti si Tiyago at naglabas ng pakete ng opyo. Hindi niya na ito pinansin dahil ang tunay na pakay niya ay para makusap muli ang kanyang anak na si Maria Clara.
Habang papasok na si Damaso sa bahay, si Tiyago ay nakaupo sa labas ng bahay at sinisingot ang bagong peke ng opyo. Pagpasok niya nakita niyang parang babuyan ang bahay ni Tiyago dahil marumi at kalat-kalat na ang mga gamit dito. Hinanap ni Damaso si Maria Clara ngunit bigo dahil mukhang wala naman ata ito sa bahay. Napansin niya na walang tao na sa bahay dahil nakabukas ang mga kabinet at nakitang wala ng mga damit maliban kay Tiyago.
“Mukhang mag-isa ng nakatira Si TIyago” sabi ni Damaso nung makita ito.
Pumunta siya kay Tiyago muli at tinanong kung nasaan ni Maria Clara.
“Uh, napunta nasa kumbento, natuloy ang pagmomongha.” Sabi ni Tiyago
“Ano? Hindi pwede !” sabi ni Damaso. Halo-halo ang nararamdaman niya, may kasamang pagkagalit ngunit mayroon rin pagkagulat.
“Saang kumbento siya napunta?” tanong ni Damaso.
“Ewan ko, basta balita ko, pareho ang napuntahan ni Padre Salvi na kumbento.” Sabi ni Tiyago na bigla lang nawalan ng malay pagkatapos sabihin ito.
Wala masabi si Damaso. Nagaalala na siya para kay Maria Clara dahil gaya ang sinabi niya dati, walang makakarinig sa mga iyak niya, Maganda siya at baka may gawin sa kanya ang mga pari sa kumbento. Naisipan niyang puntahan ang kumbentong iyon. Inisip niya at nalaman kung anong kumbento ang pupuntahan niya. Narinig niya naguusap-usap ang mga kura at pinaksa ang paglipat ni Padre Salvi sa bagong kumbento dahil sa pagtulong niya sa pagpigil sa himagsikan.

Papunta si Damaso sa kumbento nung nagsimulang umulan. Nagmadali siya at nakitang may babae sa tuktok ng kumbento na umiiyak. Hindi niya ito namukhaan dahil madilim na at may kulog pa na lumalabas. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob ng kumbento.

Nakita niyang kakaunti lamang ang mga tao dito kahit na napalaki ng kumbento. Sinimulan niyang hanapin siya Maria Clara at maraming kura ang nakapansin sa kanya. May isang lumapit sa kanya at sinabing “Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ka naman dito nakapwesto.”
“Ano ngayon at hinahanap ko lamang ang aking anak si Maria Clara” sagot ni Damaso.
“Ah, ang huling kita naming sa kanya ay ang pag-usap kay Padre Salvi.” sabi ng kura.
“Alam niyo ba kung saan siya dahil kailangan ko na siyang kausapin” tanong ni Damaso.
“Uh, hanapin mo muna si Padre Salvi, siya ang huling nakakita kay Maria Clara, nasa taas ata siya.” sagot ng kura.
“Salamat” sabi ni Damaso at nagmadaling umakayat sa taas.
Hinanap niya kung saan si Padre Salvi ngunit wala. Nang malapit na siya sa may hulihan ng lapag, nakita niya si Salvi, palabas ng kuwarto. Nagmadali si Damaso kay Salvi.
“Hoy Salvi! Nasaan si Maria Clara?” tanong ni Damaso.
“Ano ang ginagawa mo dito, hindi ba pinapunta ka na sa Maynila?” sabi ni Salvi.
“Wala akong pakialam, nasaan si Maria Clara, sinabi nila sa akin na ikaw ang huling taong nakakita sa kanya.” sabi ni Damaso.
“Ewan ko” sabi ni Salvi na biglang nagpawis nung sinabi ito.
“Ano? Alam kong nagsisinungaling ka lng, kailangan ko siyang makausap.” sigaw ni Damaso.
“Hindi ko nga alam, umalis ka na, hindi ka nararapat dito at kailangan mo ng maghanda para sa pagkura mo sa Maynila.” sabi ni Salvi.
Bago pa man nakasalita si Damaso, hinila siya ng ibang miyembro ng kumbento at itinapon sa labas. Sinubukang pumasok muli ni Damaso ngunit hindi nakasarado na ang mga pinto.
Nakita niyang wala ng ulan ngunit nandoon pa rin ang babae sa tuktok. Nakita niya na si Maria Clara pala ito at sinubukang tawagin ngunit sa nandiyan parin ang kulog at hindi siya marinig. Sigaw ng sigaw ni Damaso ngunit di siya marinig. Hindi rin siya Makita ni Maria Clara dahil sa sobrang taas ng kumbento, hindi mo mamumukhaang ang mga tao sa baba. Nakita ni Damaso si Maria Clara dahil may kasamang kidlat at nakikita niya siya tuwing lalabas ang kidlat. Hindi sumuko siya Damaso hanggang sa siya’y nahimatay.
Nung paggising niya, napansing nasa ospital siya sa may San Diego. Pinadala raw siya ni Padre Salvi nung nakita siyang nakahiga sa sahig ng walang malay. Malungkot na malungkot si Padre Damaso dahil hindi niya nakita si Maria Clara.
Araw na pala ng alis niya papuntang Maynila at naghanda na siya, Nung pag dating niya sa Maynila, malungkot pa rin siya. Gusto niyang sana kausapin si Maria Clara ngunit dahil kay Padre Salvi hindi ito nangyari.
Nung pagtulog niya, napanaginipan niya na nakausap na niya sa Maria Clara at tinanong kung bakit nagmongha siya pero bago pa man nakasagot si Maria Clara, nasaksak si Damaso ng kutsilyo at namatay.
Hindi na mula nakabangon si Damaso sa panaginib na iyon at namatay sa bangunot.

Panaginip Lamang Sana ni Paolo Genato


Pagkatapos ng araw ng nochebuena, ipinagdiwang ng bayan ng San Diego ang pasko. Ang simbahan ay nagmisa upang ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus. Lahat ng tao ay pumunta ng misa. Si Padre Salvi ang namuno ng misang iyon. Pagkatapos ng misa, lumabas lahat ng tao at pumunta sa bahay ni Kapitan Tiago dahil gumawa siya ng selebrasyon ng pasko at imbitado lahat ng tao sa bayan. Nagsimula ang selebrasyon ng ika-pito ng gabi. Isa sa mga dumalo ay si Padre Damaso. Lahat ng tao ay kinamusta siya dahil matagal siyang nawala sa bayan ng San Diego. May musika at sayawan sa selebrasyong iyon. Pagkatapos ng isang sandali, hinanap ni Padre Damaso si Maria Clara ngunit hindi niya makita. Nilapitan na lang niya si Kapitan Tiago upang magtanong.

“Tiago! nakita mo ba si Maria Clara?" tanong ni Padre Damaso.

"Hindi po. HIndi ko na po siya nakita mula pagkatapos ng misa sa simbahan. Hindi po siya dumalo sa selebrasyong ito." Sagot ni Kapitan Tiago.

Nagtaka bigla si Padre Damaso. Naisip niyang pumunta sa kumbento dahil doon huling nakita ang kanyang anak. Nang dumating siya sa kumbento, wala siyang nakitang tao. Inikot niya ang buong kumbento, labas at loob, ngunit wala pa rin siyang nakita. Paalis na siya sa territoryo ng kumbento ng biglang may narinig siyang sigaw. Sigaw na humihingi ng saklolo. Akala niya guni-guni lamang niya iyon ngunit may sumigaw ulit. Hinanap niya kung saan nanggaling ang sigaw natuklasan niya na sa itaas ng kumbento nanggaling ang sigaw. Nagmadali siyang umakyat at nakita ang nakakandadong pinto na gawa sa kahoy. Sinipa-sipa niya ito hanggang sa nasira. Nakita niya si Padre Salvi na nakangiti at sa harapan niya ay si Maria Clara na may sira-sirang damit at nanginginig sa takot.

"Anong nangyayari rito? Kaninong sigaw ang narinig ko?" Malakas na tanong ni Damaso.

"Napakaganda ng iyong anak, Padre Damaso. Sobrang saya ko dahil palagi na nandito sa kumbento si Maria Clara." sagot si Salvi.

"Ama, tulungan niyo po ako." sabi ni Maria Clara.

"Anong ginagawa mo sa anak ko Salve?! Bakit sira-sira ang damit niya? Ginagahasa mo ba siya!!!!!" Galit na galit na sinabi ni Padre Damaso.

"Ano naman kung oo? Ang sarap ng pakiramdam na makasama si Maria Clara."

"Magbabayad ka Salvi!!!"

Sinugod ni Padre Damaso si Salvi ngunit nakaiwas siya. May nakitang mahabang kahoy si Padre Salvi. Pinulot niya ito at tinamaan si Padre Damaso sa likod. Bumagsak si Padre Damaso. Pinagsisipa ng kura si Padre Damaso hanggang nawalan siya ng malay.

"Ngayong wala na ang iyong mahal na ama, puwede na nating ituloy ang nasimulan natin." sabi ni Padre Salvi kay Maria Clara.

"Ama!" Sigaw ni Maria Clara.

Ipinagpatuloy na ni Padre Salvi ang kanyang balak kay Maria Clara. Hindi kayang lumaban ni Maria Clara dahil sa sobrang takot. Ang kaya lamang niyang gawin sa oras na iyon ay sumigaw at humingi ng tulong. Sa sobrang lakas ng sigaw ni Maria Clara, narinig ito ni Padre Damaso at nagising. Nakita niya ang napakasamang nararanasan ng kanyang anak. Hindi makagalaw si Padre Damaso at nakaramdam ng matinding lungkot dahil sa nakikita. Hindi ito kinaya ng kanyang puso. Sumakit ang kanyang dibdib at namatay.